Albert

Pagkaka-link sa mas batang co-star, tinawanan ni Albert

October 19, 2021 Vinia Vivar 497 views

Tinatawanan na lang ni Albert Martinez ang isyung may relasyon sila ng co-star niya sa teleseryeng Las Hermanas ng GMA-7. Sa ilang taon na raw niyang pamamalagi sa showbiz ay sanay na sanay na siya sa mga ganitong intriga.

“I’m not affected at all. It’s show business. Show business is about art, entertainment and that’s part of entertainment. So, it doesn’t bother me,” pahayag ni Albert sa virtual mediacon ng Las Hermanas kamakailan.

Okay lang daw sa kanya kung natsitsismis man sila ni Faith da Silva dahil ibig sabihin lang ay nagwo-work ang kanilang chemistry.

“It worked for both of us, the chemistry was there, and siguro, I will feel bad if hindi nag-work ‘yung chemistry because that’s my intention – to make sure na maging believable siya sa eyes ng public, maging believable siya du’n sa narrative and it worked.

“And ‘yung sideline na pinag-uusapan nila, it’s just part of the whole thing. But it’s okay. It helped the project and I believe, it’s not that bad at all,” paliwanag ni Albert.

Asked kung open pa ba siya na magmahal ulit lalo pa nga ngayong may kanya-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, ayon kay Alfred ay masaya naman daw siya sa kanyang mga apo.

“I’m happy with my grandchildren. Kumbaga, every morning, ‘yan na lang ang kaligayahan ko. That’s why, hindi ako masyadong nahirapan sa lock-in (taping) kasi every morning, ka-chat ko sila.

“But if you’re asking me right now, at my age, I’m still going to the process of losing a loved one, but if for example, in the very near future, I meet someone na, kumbaga, will make my heart beat again, why not?” sey ni Albert.

Samantala, balik-Kapuso ang aktor sa Las Hermanas at masayang-masaya ang aktor sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga boss at production staff.

Magsisimula na ang Las Hermanas sa October 25 sa GMA Afternoon Prime. Kasama rito nina Faith at Albert sina Thea Tolentino, Yasmien Kurdi, Jason Abalos at marami pang iba.

PASKO SA KAPUSO

PaskUng-pasko na nga sa Kapuso Network dahil ipinalabas na nitong Linggo sa All-Out Sundays ang lyric video ng GMA Christmas Station ID (CSID) 2021 jingle na pinamagatang Love Together, Hope Together.

Pagmamahal at pag-asa ang tema nito. “Sa dami ng pagsubok na dumating, lahat ito’y ating nalagpasan sapagkat sama-sama natin itong pinagdaanan. Kaya naman sa muling pagsapit ng Pasko, nakangiti natin itong sasalubungin, at hawak-kamay nating haharapin ang bagong umaga,” lahad ng GMA.

Muling nagsama ang mahuhusay na Kapuso singers na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose kasama sina Rita Daniela, Christian Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Anthony Rosaldo, Mark Bautista, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin, XOXO, Thea Astley, Garrett Bolden, pati na rin sina Arra San Agustin, Faith da Silva at Lani Misalucha.

Nakaka-LSS at catchy ang bagong Christmas jingle at marami na nga ang nag-aabang sa Christmas ID mismo na malapit na rin siyempreng ilabas ng GMA-7.

AUTHOR PROFILE