Pagiging ina kay Zoe, best feeling on earth — Sofia
ILANG beses naging emosyonal si Sofia Andres nang i-launch siya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Hope Glow Super Glutathione Capsules ng Luna Aura.
Ito ay matapos siyang tanungin tungkol sa purpose niya sa buhay.
Lahad ng model/actress, wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. Hindi man umano tuluy-tuloy ang pagdating ng mga proyekto, lalo pa nga’t maaga siyang naging ina kay Zoe, ang four-year-old daughter nila ng race car driver-BF na si Daniel Miranda, kumpleto pa rin ang buhay niya.
“I realized that we cannot have everything. But now, I feel, like, waking up in the morning, I feel that I’m so complete,” panimula ni Sofia.
“So, even though hindi tuluy-tuloy my projects and everything, but still, I’m given much blessings because I appreciate the blessings that’s, you know, going my way. And I think that’s the best feeling on earth, that’s the best feeling for me. And although it’s slowing down my career, for me that’s the best. I have time for my daughter, I have time with my family and at the end of the day, family is all you have,” patuloy niya.
Mula noon hanggang ngayon, hindi nawala ang glow ng beauty ni Sofia kaya naman naniniwala ang Luna Aura co-founders na sina JC at Nica Alelis na siya ang perfect choice para mag-endorse ng kanilang produkto.
Layon ng Luna Aura na i-redefine ang perception ng publiko tungkol sa glutathione na ito ay pampaputi lamang. Taliwas sa paniniwalang ito, sinabi nila na ang Hope Glow Super ay may advanced formula — S-Acetyl at reduced L-Glutathione — na nagma-maximize sa effectiveness nito’t sumusuporta sa overall wellness ng tao na higit pa sa dulot nitong skin benefits.
Anila, “Sofia radiates strength and grace. Her beauty is more than skin deep — it is fueled by her passion, purpose and resilience. Just as Glutathione offers benefits beyond whitening, Sofia is a symbol of versatility, glowing brighter with every role she embraces. Her aura is filled with hope, making her the perfect ambassador for Luna Aura’s Hope Glow Super Glutathione capsules.”
BAGONG CUT NG BALOTA’ NI MARIAN MAPAPANOOD SA MGA SINEHAN
Good news para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16.
Inanunsyo nga ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group kamakailan sa kanilang official social media accounts.
Maraming netizens ang na-excite dahil matapos maging box-office hit sa Cinemalaya Film Festival noong Agosto ay mapapanood nang muli ang pelikula with its new cut.
Matatandaan na nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy sa nasabing pelikula.
Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.