Pagiging ina at painter mas priority ni Solenn
SINAGOT ni Solenn Heussaff ang tanong kung handa na siyang bumalik sa pagiging full-time na artista.
Sinabi ni Solenn na hindi pa siya ready lalo ngayong mommy siya ng two girls na sina Thylane at Maëlys.
Dagdag pa niya, ramdam niya ang hamon ng pagiging isang ina ngunit enjoyable naman.
Pinasilip naman ni Solenn ang kanyang painting for a cause project kunsaan gagawa siya ng special art pieces at makikipag-collaborate siya sa ilang kabataan ng Hospicio de San Jose.
Kinuwento ni Solenn ang istorya sa likod ng natapos nilang painting via Instagram.
“Collaborated with the children of Hospicio de San Jose Rendu ward on this painting called ‘Inflorescence’ which will be exhibited at the LRI design plaza this September and for sale to benefit the ward. We started with the idea of someone peacefully laying on a bed of hope and I eventually changed direction after meeting and painting with my co artists.”
Awitin ng Parokya ni Edgar gagawing musical
MATAPOS ang matagumpay na “Ang Huling El Bimbo” musical tampok ang mga awitin ng bandang Eraserheads, isang bagong musical muli ang mapapanood sa susunod na taon tampok naman ang mga awitin ng tinaguriang pambansang banda na Parokya Ni Edgar.
Sa video na inilabas ng Newport World Resorts o NWR Musicals sa social media, kinumpirma mismo ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang kanilang ginagawang musical na pinamagatang “Buruguduystunstugudunstuy” na pangalan din ng kanilang ikalawang album noon.
“’Buruguduystunstugudunstuy: Ang Parokya Ni Edgar Musical.’ Abangan n’yo, 2024,” sabi ni Chito sa video habang tumutugtog sa kanyang background ang OPM hit na “Bagsakan.”
Kasabay nito, bukas na rin ang auditions para sa “Buruguduystunstugudunstuy” para sa lahat na may edad 18 hanggang 50 taong gulang na may talento sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte.
Ang mga interesado ay kinakailangang umawit ng anumang Parokya Ni Edar song in 16 bars. Maaaring ipasa ang audition video sa [email protected] mula sa September 12 hanggang October 1.
Susundan naman ito ng in-person auditions simula October 16 hanggang October 18, at final callback fnaman October 24 hanggang sa October 26.
Samantala, mapapanood naman si Chito bilang isa sa coaches ng The Voice Generations sa GMA kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at host nito na si Dingdong Dantes.
John may paraan para mapagsalita ang mga suspek
DAHIL kailangang patas ang pagbabalita kahit sa mga krimen, kinukuhanan din ni GMA Integrated News reporter John Consulta ng pahayag ang mga suspek.
Paano nga ba niya nahihikayat ang mga ito na magsalita on-cam?
“One of the things that I also realized in covering crime stories, kailangan genuinely magkaroon ka rin ng sabihin nating drive to listen to the suspects,” sabi ni John sa podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel.”
Ayon kay John, host ng bagong programang “Pinoy Crime Stories,” madalas na kinaiinisan ng mga tao ang mga suspek dahil sa krimen na sinasabing nagawa o kinasasangkutan nila.
Pero para kay John, dapat madinig pa rin ang panig at paliwanag ng mga suspek kung totoo ba ang paratang laban sa kanila para sa patas na pagbabalita.
Paliwanag ni John, “Mas nakikinig sila [suspek] kapag walang camera, kapag walang naka-record, walang nakatapat na cellphone.”
“Kaya every time na mayroon akong kaharap na subject, mas madalas gusto kong ako lang sana ‘yung kausap niya para walang distraction. I always give them three options,” saad pa niya.
Ipinapaliwanag ni John na may tatlong paraan kung paano sasagot ang suspek.
“First is totoo, aaminin, na talagang oo, totoo ‘yung sinasabi nila. Pangalawa deny, hindi totoo ‘yan, nasama lang ako dito o hindi ko alam ang sinasabi nila or whatever. And number 3, no comment,” paliwanag niya.
“I always remind them, ‘Alam niyo karapatan niyo po ‘yun, no comment. Dahil nu’ng kayo ay inaresto sinabi po ng law enforcer na may karapatan kang manahimik, lahat ng sasabihin mo ay puwedeng magamit laban sa ‘yo sa korte,’” ani John.
Sa kaniyang pakikinig sa suspek nang walang camera, sinabi ni John na tinitimbang din niya kung pinagsisisihan ba ng suspek ang nangyari o naninindigan na inosente sa krimen.
“So in the end, 95% napapapayag kong magpa-on cam,” sabi ni John kahit pa “no comment” ang sasabihin ng suspek basta nakuha ang kanilang panig.
Mapapanood ang “Pinoy Crime Stories” tuwing Sabado simula Setyembre 16, 4:45 pm sa GMA. Mayroon itong simulcast din ito sa Pinoy Hits at livestreaming sa GMA Public Affairs Youtube Channel at Facebook Pages ng GMA Public Affairs, GMA Network, at GMA Public Affairs Tiktok