Daniel & Kathryn

Paghahatid ni Daniel kay Kathryn sa airport, ikinakilig ng netizens

December 10, 2022 Vinia Vivar 144 views

Super kilig ang KathNiel fans sa lumabas na video kung saan ay makikitang ihinahatid ni Daniel Padilla ang girlfriend na si Kathryn Bernardo sa airport.

Si Kathryn mismo ang nag-post ng video sa kanyang Instagram account.

Makikita rito ang paghahatid sa kanya ni Daniel at ang pamamaalam niya sa boyfriend bago siya tumulak patungong Thailand kasama ang inang si Min Bernardo.

May work si Kathryn sa Thailand base na rin sa kanyang caption na “work and play.”

Makikita sa video na nagpapaalaman sila ni Daniel sa Ninoy Aquino International Airport.

Sey ni Kathryn, “Bye, lover.”

Sagot naman ni Daniel, “Ingat,” sabay-kaway.

Nag-post din si Mommy Min ng video kung saan makikitang ihinahatid sila ni Daniel sa airport.

Caption niya, “May paghahatid.”

Komento ng isang netizen, “Stay safe, team Kathryn! At kinilig naman ako du’n sa ‘bye lover’!”

BILLY, ’DI IPAGPAPALIT ANG PASKONG PINOY

Nakauwi na ng Pilipinas si Billy Crawford matapos ang kaniyang pagkapanalo sa Danse Avec Les Stars,  French version ng sikat na reality dance competition sa Amerika na Dancing with the Stars.

Hindi pa rin daw makapaniwala ang singer-dancer na nakuha nila ng French dancer, choreographer at actress na si Fauve Hautot ang grand prize matapos ang 10 linggong kompetisyon.

Sobrang kakaiba at naging mahirap daw talaga ang training na kanilang pinagdaanan at hanggang ngayon nga ay nagri-recover pa ang katawan niya mula sa mga injury na naranasan sa training.

“Recovering pa rin. It takes time. I tore my groin, my back, my calf. Maraming injuries in a span of three months. Pero sobrang blessed naman, nakakalakad pa ako. Malayo sa bituka,” sabi ni Billy sa panayam ng GMA-7.

Kasama rin ni Billy sa France ang kanyang asawang si Coleen Garcia at anak nilang si Amari at labis-labis ang pasalamat niya sa todong suporta ng misis sa kanya.

“Sa totoo lang, mas saludo ako kay Coleen. Siya ang sumalo ng lahat para kay Amari. Even the times na nandoon ako sa France, nagri-rehearse ako araw-araw for eight hours minimum. By the time na darating ako sa bahay, patulog na si Amari, si Coleen ang lahat ng gumagawa,” kwento ni Billy.

Ngayong nakauwi na nga sila ay masayang-masaya si Billy lalo pa nga at magpa-Pasko.

“There’s nothing happier than a Filipino Christmas. Nandito ang pamilya, nandito ang pagmamahal, nandito ang mahal namin sa buhay. We wouldn’t trade it for anything,” sabi ni Billy.

AUTHOR PROFILE