Default Thumbnail

Paghahamon ng Tsina sa PAF hindi katanggap-tanggap

August 11, 2024 PS Jun M. Sarmiento 78 views

MATINDING pagkadismaya at galit ang naramdaman ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Estrada sa parang paghahamon ng People’s Liberation Army Air Force ng China laban sa Philippine Air Force aircraft habang nagpa-patrol sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Base sa ulat, halos mauwi sa komprontasyon sa pagitan ng PAF NC-212i at ng Airforce ng China habang nagsasagawa ng surveillance ang Pilipinas.

Naghulog ng flares na naglalabas ng init at animo’y sumisiklab na kwitis sa ere kaya nalito ang PAF aircraft.

Ayon kay Sen. Estrada, hindi katanggap-tangap sa sibilisadong mundo ang paghahamon at pang iinis ng PLAAF kamakailan.

Matatagpuan ang Scarborough Shoal sa layong 120 nautical miles west sa gitnang Luzon at nasa 200-kilometer exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

“We urge the Chinese government to immediately stop this clear act of aggression and adhere to international law. This recent incident is a violation of international aviation safety standards and the rights of all nations to carry out lawful maritime operations,” ani Estrada.

Sinabi ni Estrada na ang pagpapakawala ng Tsina ng flares sa nasasakupan ng Pilipinas sa gitna ng paglipad sa ere na dinadaanan ng ating Philippine Air Force NC-212i maituturin na paglapastangan sa soberenya ng ating bansa.

“The Philippines has always advocated for peaceful and diplomatic solutions to territorial disputes with China and this incident undermines our efforts in de-escalating unnecessary tensions,” giit ni Estrada.

“We will not be intimidated. We will continue to defend our sovereignty with resolve and determination while remaining committed to upholding the rule of law and promoting peace in the region,” sabi ni Estrada.