Jolo

Pagbubuntis ni Angel, answered prayer, ayon kay Jolo

August 2, 2023 Vinia Vivar 143 views

Nagdadalang-tao na ang misis ni Cavite Representative Jolo Revilla na si former beauty queen Angelica Alita sa kanilang first baby.

Inanunsyo mismo ni Jolo ang magandang balita ngayong araw August 2, kaarawan ng kanyang wifey.

Nag-post si Jolo ng mga larawan nila ni Angel na masayang hawak ang sonogram ng kanilang baby.

“In God’s perfect time, today we announce our greatest Blessing for Angel’s birthday, we are having a baby! Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal para sa amin, sobrang excited at masayang masaya po kami! Can’t wait for the gender reveal!!! I love you so much asawa ko! Madami pa itong kasunod hehehe,” ang caption ni Jolo.

Sa kanyang Facebook page ay nag-post din ng same photos si Jolo at aniya sa caption, answered prayer ang pagbubuntis ng kanyang misis.

“BEST GIFT WE RECEIVED FOR ANGEL’s BIRTHDAY.

“Ito na ang surpresa namin sa inyo! We thank the good Lord for granting our wish, buntis na si Misis!

“Matagal tagal din po kaming nag dasal at nag hintay and in God’s perfect time answered prayer po kami. Nagdadalang tao po sa ngayon ang aking maybahay, Angel Revilla, at masayang masaya kami na ibalita ito sa inyo.

“Alam po namin na madami din sa inyo ang nag dasal para sa amin at dahil po diyan gusto naming magpasalamat sa inyo. Samahan niyo kami sa aming journey, at syempre excited na kami sa gender reveal,” caption ni Jolo.

Matatandaang ikinasal sina Jolo at Angel noong 2019 sa isang garden wedding sa Newport Beach, California, USA.

AUTHOR PROFILE