Mother Lily

Pagbubukas ng mga sinehan, good news sa film industry — Mother Lily

October 16, 2021 Ian F. Fariñas 139 views

NAGKAROON ng allergy sa mata ang Regal produ na si Mother Lily Monteverde kaya hindi natuloy sumama sa virtual Pandesal Forum kahapon.

Bilang selebrasyon ng World Pandesal Day, nag-text si Mother Lily sa anchor nitong si Wilson Flores, may-ari ng Kamuning Bakery, para batiin ang dapat sana’y co-guest speakers niyang sina Sen. Sherwin Gatchalian at Atty. Neri Colmenares.

Via text messaging din ay sinabi ng Regal matriarch na ang pagpayag ng IATF na muling magbukas ang mga sinehan ay magandang balita para sa industriya ng pelikulang Pilipino.

“The opening of the cinemas will be a new beginning for Regal Entertainment and I will continue to produce movies and do co-production with gma-7 sa movies and television now that the economy has started to reopen. This is good news to everyone in the film industry,” parte ng mensahe ni Mother Lily na binasa ni Wilson sa Zoom.

Positibo raw si Mother Lily na pagkatapos ng pandemya ay muling sisigla ang Philippine cinema.

“The Filipino movie industry will survive,” aniya pa.

Biniro naman siya nina Sen. Sherwin at Atty. Neri na kahit extra, willing silang mag-apply na artista sa Regal, kahit kontrabida pa ang papel na kanilang gagampanan.

Sagot naman ni Mother, walang problema at anytime ay welcome ang dalawa sa produksyon niya. Pero, hindi raw pwedeng kontrabida ang papel ng iaalok niya sa mga ito kundi bida.

“Kailangan bida,” ganting biro pa ng Regal produ.

AUTHOR PROFILE