Andre

Pagbubukas ng 50th Botejyu branch, star-studded

December 4, 2022 Ian F. Fariñas 203 views

STAR-STUDDED ang pagbubukas ng 50th branch ng Botejyu sa Venice Grand Canal Mall, Taguig City recently.

Dumagsa roon ang Viva Entertainment stars gaya nina Andre Yllana, Andrea del Rosario, Katya Santos, Marco Gallo at marami pang iba.

Sa ngayon, ang Botejyu ang itinuturing na pinakamalaking Japanese food brand sa bansa dahil sa masarap na specialties nito tulad ng ramen, sushi, gyoza, chicken karaage, atbp.

Ayon kay VR del Rosario ng Viva International Food and Restaurants Inc., ang Philippine franchisee ng Botejyu sa loob ng anim na taon, “We are inspired, now more than ever, to continuously bring safe, quality and healthy Japanese comfort food as far as we can.”

Ang Viva International Food and Restaurants Inc. ang food division ng Viva Group of Companies na dalawang dekada nang nasa resto and food service business.

Bukod sa Venice Grand Canal Mall, malapit na ring buksan ang Botejyu branches sa iba pang prime locations tulad ng SM Lucena, SM Daet, SM San Pablo, Market Market at Robinsons San Pablo.

May 36 branches ding madadagdag sa listahan na magpu-focus naman sa Visayas at Mindanao area.

AUTHOR PROFILE