inton

Pagbawi sa PMVICs program hiniling

August 22, 2021 Jun I. Legaspi 781 views

MARIING nanawagan ang commuter at transport groups sa Land Transportation Office na (LTO) bawiin agad ang pagpapatupad ng Geographical Areas of Responsibilitiy (GAOR) para sa mandatory Authorized Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC)s.

Ang panawagan ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), dahil sa reklamo at hiling ng mga commuters, motorists at mga transport groups sa buong bansa.

Paliwanag ni Inton, maganda ang program na ito para sa roadworthiness at standard inspection pero sa ngayon ay hindi pa eto angkop dahil hindi pa sapat ang mga PMVICs sa buong bansa.

Mungkahi ni Inton dapat gumawa ng win-win solution ang LTO at Department of Transportation (DOTr) na katanggap-tanggap sa lahat ng sectors (commuters, motorists, public at transportation groups).

Hiniling din ng LCSP at transport groups sa LTO at DOTr na bago ipatupad ang program, may interoperability na ang mga PMVICs sa system ng LTO upang maiwasan ang mga technical glitches, mahabang pila at delay sa actual inspection.

Paliwanag ni Inton, dahil wala pang interoperability kahit inspected na ay hindi pa rin maka-registro at kailangan dumaan uli sa Private Emission Testing Centers (PETC) para mag pa-emission test, kayo doble gastos pati panahon.

Ayon pa kay Inton, nagtataka ang LCSP at mga kaalyadong grupo sa buong bansa kung bakit minamadali ang implementation gayun kitang kita na hindi pa ayos ang sistema para sa pagpapatupad nito.

Dagdag ni Inton na patuloy ang reklamong tinatanggap ng LCSP tungkol sa hirap na dinaranas ng mga motorista tungkol sa isyu.

Nauna nang sinabi ni Inton at mga kaalyadong commuter at transport group na iboboycot nila ang programa.

AUTHOR PROFILE