Default Thumbnail

Pagbabago sa panahon, Taguig at MIAA

May 9, 2023 Mario Fetalino Jr. 290 views

Mario FetalinoMAY nakaambang pagbabago sa Taguig. Pinal na ang ipinalabas na desisyon ng Korte Suprema sa tatlong dekadang agawan sa 729 ektaryang lupain ng Fort Bonifacio Military Reservation kung saan naroon ang mga lugar ng Bonifacio Global City(BGC), Barangay Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo at Pitogo gayundin ang Philippine Army headquarters, Navy installation, Marines’ headquarters, Consular area, JUSMAG area, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village at 6 pang villages sa tabi nito.

Ang Taguig, hindi Makati, ang syang nakakasakop sa kinukuwestiyong teritoryo base na rin sa mas maraming historical, documentary at testimonial evidence na naibigay ng syudad, sabi ng SC sa desiyon nito.

Unang dininig ang kaso sa Regional Trial Court, Court of Appeals hanggang umakyat sa Korte Suprema na pinagtibay ang desisyon na nagtatakda na ang Taguig City ang s’yang nanalo. Ngayong tapos na ang legal battle, umaasa ang mga residente na syang nasa gitna ng dalawang nag-uumpugang LGU na kumilos at ayusin na ang sitwasyon.

Hiniling ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Maceda na respetuhin ang desisyon ng Korte Suprema bilang s’yang “final arbiter of the law” at magtulungan ang mga local government officials para sa “smooth transition” upang mailipat ang mga residente na dati ay Makati citizens ngunit ngayon ay magiging lehitimo nang Taguigeño

**

Hangad ngayon ang bagong pamunuan sa International Airport Authority (MIAA) upang maisulong ang kapakanan ng publiko.

Nauna nang nasuspinde si acting MIAA General Manager Chiong ng Ombudsman kasama ang assistant nito na si Irene Montalbo dahil sa grave abuse of authority. Bago ito, nagpatupad si Chiong ng balasahan sa MIAA kung marami sa mga empleyado ng MIAA ay lubhang naapektuhan.

Samantala, napapabalita na ang pamunuan ng MIAA ay napapasakamay sa mga dating opisyal ng isang airline kung kaya’t interes nito ang naisusulong ng ahensiya. Si Chiong at ang pumalit sa kanya na si Bryan Co ay pawa umanong mga executives dati ng nasabing airline.

Natural lamang umano na magkakaroon ng impluwensiya ang airline sa pamamalakad ng MIAA na labag sa interes ng taumbayan. Mas makakabuti siguro sa MIAA kung hindi nalang bumalik si Chiong at ipaubaya na lamang ni Co ang kanyang posisyon sa mas deserving na public official.

Napapanahon na nga marahil ang pagbabgo sa MIAA at nakakatiyak ako na makakatulong ito sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga paliparan ng ating bansa.

**

Handa ba ang Manila Water at Maynilad sa nakaambang tagtuyot? Wala pa man ang tagtuyot, nagrereklamo na ang mga customers ng Maynilad na tila nagkakandakuba-kuba na sa pag-iigib ng tubig dahil sa malimit na water interruption sa west zone ng Metro Manila at Cavite.

Mayroong supply augmentation measures na ginagawa ang Maynilad katulad ng reactivation ng mga deep wells at paggamit ng mga modular treatments plants, upang maibsan ang epekto ng dry spell. Ang kasalukuyang araw-araw na water interruption ay parte rin ng estratehiya ng Maynilad upang makapaghanda sa paparating na El Nino at epekto nito.

Pero hindi malinaw kung kailan babalik ang pangakong 24/7 water service ng kumpanya. Nakadepende ito sa raw water volume na nakukuha ng treatment plants at volume ng ulan na maiipon sa mga watersheds nito. Malas lang dahil walang sapat na ulan ang inaasahang bubuhos sa mga dam sa mga susunod na buwan.

Nangako naman ang Manila Water na tuloy tuloy pa rin ang 24/7 water supply nito ngayong dry season. Patuloy nitong natutugunan ang pamantayan dahil sa mga sustainable solutions, innovative facilities, at augmentation plans na ginagawa nito.

Hangad ng kumpanya ang maximization ng 100 million-liter-per-day (MLD) capacity ng Cardona Water Treatment Plan at paggamit ng deep wells na makapagbibigay ng karagdagang 115 MLD. Ginagamit din nito ang 20-MLD Marikina Portable Treatment Plant upang linisin ang tubig mula sa Marikina River. Inihahanda na rin ang proyekto nito sa Calawis, Antipolo at East Bay na kukuha ng tubig sa silangang parte ng lawa ng Laguna.

Matagumpay ding binuksan ang bagong 15-kilometrong aqueduct at 6.4-kilometer tunnel na proyekto ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System. Ito ay magsisiguro ng patuloy na daloy ng 1,600 MLD sa La Mesa Dam at makakatulong na i-optimize ang daloy ng excess water mula sa Ipo patungong La Mesa Dam.

**

For comments, please call or text 09569012811 or email [email protected]

AUTHOR PROFILE