Tolentino

Pagbabago ng IRR sa intensyon ng batas, ikinadismaya ni Tolentino

February 13, 2024 People's Tonight 348 views

IKINALUNGKOT ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang pagbabago sa intensyon ng mga batas na pinagtibay ng Kongreso sa Implementing Rules and Regulation (IRR) na inisyu ng administrative agencies na naatasang gumawa nito.

Sa deliberasyon ng proposed Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) sa Senate Committee on Ways and Means nitong Lunes, tinanong ni Tolentino ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung maaari nitong ipatupad ang nabanggit na panukala nang walang IRR.

“A lot of our laws has been modified, reconfigured, mutated by IRR. There is only one lawmaking body— the Congress of the Philippines. Is the BIR ready to implement a law without IRR coming from your part?” ang tanong ni Sen. Tol.

Tiniyak ng mga opisyal ng BIR na maaari nitong ipatupad ang PIFITA nang walang IRR.

“If it is so stated by the legislative, then it can implemented,” tugon ni BIR representative Atty. Nelsie Arcolas.

Ang sentimyentong ito ni Sen. Tol ay mula sa maraming kaso kung saan ang IRR ng ilang batas tulad ng Milk Code ay lumihis sa layunin ng batas.

Idinagdag niya na upang mapagtanto na ang layunin ng IRR na lumihis sa mga pinagtibay na batas, ipinasa ng Senado ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act bilang self-executory.

Ang huling probisyon ng nasabing batas ay nagsasaad na “This Act is self-executory and shall take effect fifteen (15) days after its publication in the Official Gazette or in a newspaper of general circulation, without the need for the issuance of implementing rules and regulations.”

AUTHOR PROFILE