Pag-postpone ng BARMM polls pinag-aaralan — PBBM
Pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ipagpaliban ang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nakatakda sana sa Mayo 2025.
Sa ambush interview sa Lingayen, Pangasinan, maraming implikasyon ang naging desisyon ng Supreme Court na naghiwalay sa probinsya ng Sulu sa BARMM.
“Well” we are still studying it. Some of the local officials are saying because the Supreme Court decision of separating Sulu from BARMM. maraming implications in terms of the changes of the delay. kung kaya natin. Baka hindi nating kayang gawin by May of next year,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga tinukoy na problema ay ang mga distrito na nawalan ng kongresista at walang kinabibilangang probinsya, at mga munisipalidad na walang distrito at wala ring probinsya.
Dahil umano sa pag-aalis ng Sulu sa BARMM, kailangang palitan ang batas kaya’t ta-trabahuhin ng Bangsamoro Transition Authority ang bagong sistema sa bagong administrative code, local government code, at electoral code.
Ayon kay Pangulong Marcos, sisikapin pa ring maisabay ang BARMM elections sa 2025 midterm elections, ngunit kung hindi ito kakayanin ay mainam nang maitama muna ang mga implikasyon sa halip na ito ay madaliin dahil posibleng mag-resulta lamang ito sa gulo.