Jadine

Pag-get-over kay James, weird — Nadine

November 15, 2021 Vinia Vivar 103 views

Mukhang naka-move-on na talaga si Nadine Lustre sa breakup nila ni James Reid dahil nakakaya na niya itong pag-usapan ngayon.

Sa latest podcast ng mag-asawang Saab Magalona at Jim Bacarro na Wake Up With Jim and Saab ay si Nadine ang kanilang guest at kahit paano ay nag-open-up ang aktres kung paano siya nag-move-on sa breakup nila ni James.

Sa dulo kasi ng interview ay tinanong ni Saab si Nadine kung ano ang natutunan niya sa breakup at kung ano ang pwede niyang maibahagi tungkol dito na pwede ring matutunan ng ibang taong dumadaan din sa ganitong sitwasyon.

Matatandaang inamin nina James at Nadine na break na sila noong January, 2020.

“You know what, it took a while before I got over it. I was pretty much in a limbo for like more than a year. I guess one advice is that just to take your time. I mean it’s not, you know, wounds would heal that easily. You need to take time,” pahayag ni Nadine.

“It will take time, but I mean, it’s super worth it in the end,” she added.

Asked kung ano ang mga bagay na ginawa niya during those times, ani Nadine ay ginawa niya ang lahat ng hindi niya ginagawa before.

“After my breakup, it was the pandemic na, eh. A couple of months after that, it was already the pandemic. So, you know, I couldn’t see my friends, I was stuck at home,” she said.

“I was just reflecting on all the things that I’ve done, the person I’ve become. It was like I was having conversations with myself and I just trying to know myself again as an individual,” she added.

She kept herself busy and tried things na first time niyang ginawa.

Natapos niya ang kanyang album, nagsulat ng mga kanta, cooking, flower arrangement, painting, etcetera.

Hanggang sa dumating na lang daw ang isang umaga na nagising siya na naka-get-over na siya.

“It was really weird because, of course, there were times na parang I wish this would still work out, like you know, you’re still there, eh. You’re still not over the relationship but then, I was aware that it was slowly going away.

“And at first, it was hard for me, just because I was like, ‘this couldn’t happen’ like ‘this can’t get away because I still want to be with this person’ but one day I just woke up and I told my friend, ‘you know what, it’s not there anymore.’

“It took a while because I needed to realize that I needed to put myself first. That’s why. But then, when I realized that and when I decided to put myself first, it just got went out of the window.”

Kaya payo niya rin sa mga dumaraan din sa proseso ng breakup and moving on, huwag itong madaliin.

“You really have to go through it. Because I believe that it’s stages. You can’t just like go through a breakup and then after a couple of months, you’re done. It kind of doesn’t feel any different with me kasi, pretty much I woke up, it wasn’t there anymore,” sey ng aktres.

Sa ngayon ay balita ngang may bago nang boyfriend si Nadine, ang French businessman na si Cristophe Bariou although wala pa namang kinu-confirm ang aktres tungkol dito.

AUTHOR PROFILE