Vice

Pag-atras sa eleksyon 2025 sariling desisyon ni Ion — Vice

November 7, 2024 Vinia Vivar 124 views

Pinabulaanan ni Vice Ganda na may kinalaman siya sa pag-atras sa politika ng partner niyang si Ion Perez.

Ayon kay Vice sa panayam ni Ogie Diaz, nagbibigay lang sila ng suggestion sa isa’t isa.

“We don’t decide for each other. Hindi ako sasabihan ni Ion na ‘dapat ganito ‘yung gawin ko. Ako rin sa kanya, hindi ko sasabihin sa kanya na ‘dapat ganito ‘yung gawin mo.’ Hinahayaan namin ‘yung isa’t isa na prumoseso ng mga bagay pero nakaalalay kami,” saad ni Vice.

“So ‘yung mga desisyon niyo sa buhay ay desisyon niya ‘yon at pinagkakatiwalaan ko siya,” dagdag niya.

Sarili umanong desisyon ni Ion na huwag na munang ituloy ang pagtakbo sa Halalan 2025.

Kakandidato sana si Ion na councilor sa Tarlac at nag-file na siya ng kanyang Certificate of Candidacy last Oct. 1.

Pero a few days ago ay inanunsyo niya sa social media na umaatras na siya sa kanyang kandidatura.

“Alam mo pareho kami. Si Ion nasa politics ever since, youth leader siya sa Tarlac noon pa. At saka ever since bago pa kami magkakilala ay active siya sa public service sa Tarlac. Kaya lagi siyang nasa Tarlac ang dami niyang ganap,” sey ni Vice.

Pero hindi na umano siya nagtaka noong sabihin sa kanya ni Ion na hindi na nito itutuloy ang pagtakbo.

“Kilala ko ‘yung pagkatao niya na… mabuti kasi ‘yung puso ng asawa ko. Hindi siya mag-aaksaya ng pagmamahal at tiwala at suporta sa kanya ng mga tao,” kwento ni Meme.

“Noong sinabi niya ‘Hindi na ako tutuloy.’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niyang ganun, ‘Kung tutuloy man ako, kung saka-sakaling gagawin ko kailangan ko siyang paghandaan, pagplanuhan, lahat. Sa ngayon, ayaw kong ipahiya ‘yung mga magtitiwala sa akin.’ Kasi baka manalo siya,” lahad ng Unkabogable Superstar.

AUTHOR PROFILE