Rabiya

Pag-amin ni Rabiya: That night wasn’t for me

May 26, 2021 Vinia Vivar 236 views

A week after the 69th Miss Universe pageant, Rabiya Mateo assured her fans that she’s very much okay and still enjoying her vacation in the USA.

Nag-post si Rabiya sa kanyang Instagram page last Monday, eksaktong isang linggo matapos ang paglaban sa Miss U pageant.

Bungad ni Rabiya sa caption, “I can’t believe it’s been one week already. For those who were asking how am I, you have nothing to worry. I’m enjoying my mini vacay here in the US. Just few more days and I’ll be working again.”

Sa nasabing post ay makikita ang mga larawan ng Miss Universe-Philippines suot ang orange Sarimanok gown na gagamitin niya sana sa coronation night ng Miss U pero sa kasamaang-palad nga ay hindi na siya nakapasok sa top 10.

Si Andrea Meza ng Mexico ang nag-uwi ng korona.

“This orange gown was my gift to Iloilo City. The details at the bottom is connected to Dinagyang Festival which we celebrate every January,” aniya.

Aminado naman siyang pinakahintay-hintay niya ang sandaling maisuot niya ang orange gown at mairampa pero hindi na nga siya nabigyan ng pagkakataon.

Kahit masakit ay tinanggap niya nang maluwag sa dibdib na hindi para sa kanya ang gabing ’yun.

“I was waiting for that moment, I’ve been trying to imagine myself walk in this gown if ever I enter the top 10. It didn’t happen but I am still blessed.

“It was heartbreaking at first but I realize every girl in the competition also made sacrifices and it’s all about destiny. That night wasn’t meant for me,” saad ni Rabiya.

Pagtatapos ng beauty queen, “I failed to bring home the crown but I gained the hearts of millions of Filipinos, and that makes me a winner. Salamat Pilipinas! Lalaban pa rin tayo sa buhay!”

SANYA, IBA ANG KARISMA

Iba talaga ang karisma ni Sanya Lopez. Umabot na sa 10 million ang bilang ng followers ng aktres sa patok na social media platform na TikTok.

Sa kasalukuyan, siya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok. At talaga namang marami ang nag-aabang sa mga nakakaaliw na TikTok videos na ina-upload niya.

Aside from her TikTok videos, patuloy lang na tutukan si Sanya bilang Yaya Melody sa First Yaya, gabi-gabi sa GMA Telebabad at tuwing Sabado bilang Maya sa Agimat ng Agila.

CARLA AT TOM, APAT NA BUWAN MAGHIHIWALAY

Masayang ibinahagi ni Carla Abellana ang good news na kabilang siya sa isang upcoming Kapuso series.

Nakatakdang bumida si Carla sa new GMA series na To Have and To Hold kung saan makakasama niya si Max Collins na napapanood ngayon sa rerun ng Innamorata.

Bago pa man daw matapos ang pinagbidahan niyang high-rating primetime series na Love of My Life noong Marso, nasabihan na si Carla tungkol dito.

Kuwento niya sa kaniyang vlog, “It came to my surprise last March when I was informed I was to be part of a new primetime show — something I did not expect because normally I would have at least 4 months off after finishing one.”

“This time around, Love of my Life was just about to end and I found myself preparing for a new role almost immediately. Thank you for the blessings, Lord! I promise to do my best,” dagdag pa niya.

Samantala, ikinuwento rin ni Carla na apat na buwan din silang hindi muna magkikita ng kanyang fiance na si Tom Rodriguez dahil parte naman ang Kapuso actor sa GMA series na The World Between Us kung saan kasama nito sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

“Magkahiwalay man kami ng show we’re so thankful kasi at least we get to continue to put food on our table, support our families, and at the same time, prepare na rin financially not just for the wedding but for our dream home na rin,” saad ni Carla.

AUTHOR PROFILE