Martin

Pag-akyat ng rating ni Speaker Romualdez dahil sa programa para sa mahihirap

August 12, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 75 views

At pagpasa ng mahahalagang panukalang batas

ANG 16 porsiyentong pagtaas sa satisfaction rating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay bunsod umano ng matagumpay na pamumuno nito sa Kamara de Representantes na maipasa ang mga mahahalagang panukalang batas at pagtaguyod ng mga programa para sa mga mahihirap.

Binati nina House Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), Paolo Ortega (La Union), at Jil Bongalon (Ako Bicol Partylist) – mga miyemrbo ng Young Guns sa Kamara – si Speaker Romualdez sa malaking pagtaas sa satisfaction rating nito batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

“Ang Speaker, hindi lang po siya confined in the House of Representatives. Talagang bumababa po siya sa mga kumunidad,” sabi ni Adiong na ang pinatutungkulan ay ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na dinadala sa iba’t ibang probinsya.

“Dito po sa House of Reresentaives, sa legislation,100% na na-deliver ng leadership ng House sa pamumuno ni Speaker Romualdez, ‘yung mga LEDAC priorities. At yung mga nakikita po natin at nare-receive po nating mga serbisyo tulad ng ISIP, ng CARD, ng SIBOL, ang House of Representatives po pinaprioritize ‘yan na mapondohan itong mga serbisyo na ito,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Adiong na 21 probinsya na ang napuntahan ng BPSF.

“Budget hearing po natin ngayon at isa po sa mga marching orders ng ating Speaker ay ipagpatuloy itong serbisyo na ito dahil nakita natin na hindi lang po ang ating kababayan ang napapasaya pero yung actual po na data na maibsan yung poverty, maibsan yung inflation, may mga scientific po na mga data ang natutumbok po natin,” saad pa ni Adiong.

“Matulungan yung mga farmers, matulungan yung mga estudyante, matulungan yung mga entepreneurs. Ito po ay naramdaman po ng ating bansa,” pagpapatuloy nito.

“Hindi lang ho yung trust rating ha, sinasabi natin yung performance ha. This also speaks about yung confidence and yung trust ng Pilipino, ng kababayan nating Pilipino, na sa pamumuno po ni Speaker Martin Romualdez ay bumalik yung tiwala ng ating mga kababayan sa House of Representatives under sa leadership ng ating House Speaker,” dagdag pa ni Adiong.

Binati rin ni Ortega si Speaker Romualdez sa pagtaas ng rating nito. “Pinarating din po natin yung congratulations natin sa ating Speaker, and ang ganda nga po ng sagot niya samin, ‘Hindi, it’s not me, tayo to, yung pagkakaisa natin.’”

“Dinadala po talaga yung serbisyo sa grassroots, mismong sa tao na dinadala. For the information of everyone, nakikita naman po natin yung epekto ng bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” sabi pa ni Ortega.

“Kung hindi naman po lahat nakikita yung ginagawa ng mga iba’t ibang miyembro ng House of Representatives, naka-cascade din po sa kada local districts to, mayroon din po kaming mga kanya-kanyang ganito na mga iba’t ibang serbisyo katuwang yung mga national government agencies natin na binababa naman po sa localities, sa mga barangay, sa mga LGU and of course our provinces,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Bongalon, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay naging pro-active ang Kamara.

“Nabanggit niya na hindi niya lamang po ito sinosolo sapagkat katuwang niya po kami, ang mga mambabatas sa mga programa na amin pong sinusuportahan katulad lamang po itong Bagong Pilipinas Serbisyo Fair,” sabi ni Bongalon.

“Imagine, ilang probinsya, ilang distrito na ang ating pong nabigyan ng mga iba’t ibang klaseng ayuda, something that we never heard, we never seen in the previous administration,” dagdag pa nito.

“Hindi na po katakataka na magiging positibo po ang magiging reaksyon ng taong bayan sa atin pong House Speaker sapagkat nakikita po ng sambayanang Pilipino ang ating pong ginagawa dito.”

Batay sa resulta ng survey ng SWS na isinagawa mula Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 tumaas ang net satisfaction rating ni Speaker Romualdez ng 16 porsiyento o mula 13 porsyento ay naging 29 porsiyento ito.

AUTHOR PROFILE