Abante

Pag-absent ni VP Sara pag-insulto sa Kamara

September 10, 2024 People's Tonight 132 views

ISANG insulto sa institusyong sumisiyasat sa paggamit ng pondo ng gobyerno ang hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng hinihingi nitong P2.037 bilyon para sa 2025.

Ito ang sinabi ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa pagdinig ng budget ng Office of the Vice President, kung saan binigyan-diin niya ang kahalagahan ng pagdalo ng mga pinuno ng mga ahensya sa pagtalakay ng hinihingi nitong badyet.

“My goodness, I think her writing a letter to us telling us that she has completed, she still must be present, Madam Chair. And because she is not present, she is actually insulting the second institution that scrutinize the budget of the Vice President,” ani Abante.

“And I do not care even if she is the Vice President, Madam Chair. I will not allow that Congress will be insulted by the head of any agency,” dagdag pa nito.

Sa halip na dumalo, nagpadala ng sulat si Duterte sa komite upang sabihin na naisumite na nito ang dokumentasyon ng hinihinging badyet at bahala na umano ang Kamara sa pagtalakay dito.

“It is also a cherished tradition in Congress that whenever we deliberate the budget of a certain agency that the head of the agency must be present. At this point in time, there were no staff here of the head of the agency present of the Office of the Vice President,” ayon kay Abante.

“Let me explain, her letter actually, her not being present, is an insult to this institution. When we had our last hearing, I even questioned her if this institution has the right to scrutinize the budget and she even failed to answer,” dagdag pa ng kongresista.

Sinabi pa ni Abante na maging ang Commission on Audit (COA) ay ipinapaubaya sa OVP na sagutin ang mga itinatanong ng mambabatas.

“And COA even answered that only the OVP could be able to answer (some questions),” saad pa nito.

Walang dumalo na kahit na isang kinatawan ng OVP sa pagdinig.

AUTHOR PROFILE