Default Thumbnail

‘Paeng’ minomonitor ng LTFRB

October 27, 2022 Jun I. Legaspi 199 views

Para sa ligtas na biyahe sa Bicol

PATULOY na minomonitor ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibilidad na pagsuspinde ng pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan papunta at paalis ng Bicol region kasunod ng banta ng bagyong “Paeng”.

Base sa datos ng Pagasa (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), inaasahang magdadala ng matinding pag-ulan ng “Paeng” sa Bicol simula Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.

Sa pamamagitan ng Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO) V, patuloy ang pagmonitor ng operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa rehiyon at nakaantabay sa posibleng pagpapatigil ng mga biyahe papunta at paalis sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ng LTFRB ang publiko na antabayanan ang mga update patungkol sa bagyo at maghanda sa posibleng pananalanta ng bagyo sa rehiyon at sa iba pang bahagi ng bansa.

AUTHOR PROFILE