Pacquiao

Pacquiao sa mga taga-CamSur: Walang maiiwan sa pag-unlad!

March 8, 2025 Edd Reyes 146 views

NAGTIPON-TIPON ang libo-libong Bicolano upang suportahan ang mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, kasama si dating Senador Manny Pacquiao, Biyernes ng umaga sa Pili, Camarines Sur.

Lubos na nagpasalamat sa mga Bicolano si Pacquiao sa matatag na suportang natanggap niya sa panahon ng kanyang karera sa boxing at nangakong ibabalik ito sa taumbayan sa pamamagitan ng kanyang mga panukalang batas.

Kabilang sa kanyang legislative agenda ang pagpapalakas ng ekonomiya sa pamamagitan ng pag-invest sa agrikultura, pangingisda, at imprastraktura, pati na ang pagpapalawak ng programa sa kabuhayan para sa maliliit na negosyo.

Tututukan din aniya niya ang paglikha ng trabaho at pagbibigay ng libreng pabahay maging ang pagpapatibay sa kakayahan ng bansa sa pagharap sa kalamidad.

“Ang laban ko, laban ng bawat Pilipino! at dito sa Bicol, sisiguraduhin nating walang maiiwan sa biyahe ng pag-unlad!” pahayag ni Pacquiao, kasabay ng pagbibigay-diin ng kanyang dedikasyon sa tunay at inklusibong pag-unlad para sa Bicol at buong Pilipinas.

Ikinumpara ni Pacquiao ang kanyang paglalakbay mula sa kahirapan patungo sa tagumpay na pangarap ng bawat masipag na Pilipino, kasabay ng paghikayat sa lahat na magkaisa sa pagbiyahe patungo sa mas matatag at maunlad na bansa.

AUTHOR PROFILE