Pacquiao pinaiimbestigahan fake PDP-Laban memo

August 3, 2021 People's Tonight 254 views

DUMULOG si Senador Manny Pacquiao sa Philippine National Police (PNP) upang matukoy at mahuli ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa social media ng pekeng PDP-Laban Resolution na gumamit ng pekeng lagda ng senador at naglalayong dungisan ang reputasyon nito.

Sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Pelagio Lawrence Cuison, inihain ni Pacquiao sa PNP Anti-Cybercrime Group ang reklamo para imbestigahan ang pinagmulan ng pekeng dokumento at mga responsable sa pagpapakalat nito.

Ang pekeng dokumento ay naglalaman umano ng “confidential plan” na naglalaman ng direksyon umano ni Pacquiao kay PDP-Laban Legal Affairs at Arbitration Committee na magdeklara ng agaran at otomatikong pagpapatalsik kay Party Vice-Chairman Alfonso Cusi at kaniyang mga kasamahan.

Ang naturang dokumento ay mga petsa nitong Hunyo 8, 2021 upang maipakitang nauna ito sa inilabas na lehitimong PDP-Laban Resolution noong Hunyo 9, na nag-aalis sa partido nina Cusi.

Agad nilinaw ni Ron Munsayac Executive Director ng PDP-Laban at National Executive Committee na peke ang dokumento at iginiit na isa lamang itong pagtatangka ng ilang grupo na magpakalat ng “fake news” sa pamamagitan ng “fake o forged documents.”

“The proliferation and unabated spread of fake news has grown tremendously in recent years. Whether willingly or unwillingly several prominent online influencers and columnists in unison quoted or made mention of a supposed June PDP-Laban letter claiming to be from PDP Laban President Manny Pacquiao. No document of this nature exists,” giit ng PDP-Laban NEC sa isang pahayag.

“The fact a confidential plan would be made in a letter is ridiculous. The PDP Laban President likewise has a hologram next to his signature in all official documents and misalignment of the contact details and logos at the bottom are a dead giveaway to it being a fraudulent document,” dagdag nito.

Sa paglapit ng senador sa PNP upang mag-imbestiga, binigyang-diin ni Cuison ang kahalagahan ng mabilis na pag-aksyon sa paglaganap ng mga “fake news” at pekeng dokumento sa iba’t ibang social media platforms.

“Ease and impunity in which certain individuals fabricate and proliferate fake news or fake documents is a mockery to all of us as well as the integrity and rigor of our journalism professionals. PDP-Laban will not tolerate this and neither should any Filipino,” ani Cuison.

“Those responsible should be held accountable. Let us say no to fake news,” giit pa ng abogado.

Ayon kay Cuison, ang imbestigasyon ay isang paghahanda sa pagsampa ng Cyber libel sa ilalim ng section 4(c)(4) ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Oras na mapatunayang lumabag sa cyber libel posibleng mapatawan ng hindi bababa sa ₱40,000 hanggang P1 milyon at ₱1,200,000 multa at makulong ng hindi bababa sa dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang walong taon.

AUTHOR PROFILE