Pacquiao

Pacman ipinagtanggol si Jinkee sa bashers ng ipino-post na branded items

February 19, 2025 Vinia Vivar 148 views

Marami pang nais gawin si boxing champ Manny Pacquiao para sa bansa kaya naman matapos hindi palarin sa kanyang presidential bid noong 2022 elections ay nagbabalik siya sa pulitika bilang senador ngayong 2025 elections.

Sey niya sa press conference ng senatoriables sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, “I’m hoping na manalo ako at makabalik sa Senado at magawa ko ‘yung mga gusto kong gawin.”

Asked kung ano pa ang gusto niyang gawin, tugon ng People’s Champ, isa sa mga plano niya ay ang paglikha ng bill para magkaroon ng pondo for sustainable livelihood para sa mga mahihirap, gayundin ang pagpapalakas ng micro, small and medium enterprises na makapagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Kung tutuusin nga ay pwede na lang i-enjoy ni Pacman ang buhay niya kasama ang kanyang pamilya at hindi na kailangang i-stress pa ang sarili sa pagsali sa pulitika pero aniya, ang purpose niya sa buhay ay makatulong sa mga tao.

“Nandito tayo sa mundong ito, nag-e-exist tayo sa mundong ito because of a purpose, and that purpose, we should know and learn na kailangang ma-glorify ang Panginoon, makatulong tayo sa kapwa natin, magawa natin ‘yung saloobin ng Panginoon.

“Habang ako’y nabubuhay, ako’y magseserbisyo, tutulong sa abot ng aking makakaya sa sambayanang Pilipino.

“’Yan ang commitment ko, kasi where I came from, talagang hindi ko ma-imagine kung ano ‘yung narating ko ngayon because of God’s mercy and goodness, blessings,” pahayag ni Pacman.

Siyempre, bilang naging bahagi rin siya ng entertainment industry dahil for a while ay naging artista rin siya, may mga plano rin ang senatoriable para sa industriya.

Aminado siyang nababahala siya sa nangyayari sa entertainment industry na mas tinatangkilik pa ngayon ang foreign artists, lalo na ang Korean stars.

“Makita natin sa EDSA, hindi na taga-rito ‘yung mga laging pino-promote natin, taga-ibang bansa na,” aniya.

Nabiro nga si Pacman na isa rin ang misis niyang si Jinkee Pacquiao sa mga nag-iidolo ng Korean stars at pagtatanggol niya, sa bahay ay mahilig naman manood si wifey ng local TV shows and movies.

Speaking of Jinkee, nahingan din ng komento si Manny kung ano ang masasabi niya kapag naba-bash ang kanyang misis dahil sa pagpo-post ng branded items na gamit nito.

“Hindi naman siya naaapektuhan nu’n dahil unang-una, hindi naman namin ninakaw ‘yung pera (na ipinambili), pinaghirapan naman namin ‘yun. Proud kami na sa paghihirap namin, dugo at pawis ang puhunan, eh, nakabili kami ng ganu’n and maging inspirasyon sana sa mga tao na kailangan nilang magsikap para matupad ‘yung mga pangarap sa buhay,” saad ng senatorial candidate.

AUTHOR PROFILE