Susan

Paalam, Susan Henson

September 23, 2022 Aster Amoyo 3001 views

Susan1Susan2

ISA na namang taga-industriya ang namaalam, ang 1970’s lead actress na si Susan Henson.

Ang 1975 Miss RP at dating actress na si Susan (Pinky Henson in real life) ay sumakabilang-buhay sa stage-4 cervical cancer, alas-8:40 ng gabi, September 21 (Martial Law anniversary) sa kanyang inuupahang kuwarto in Ruby St., BF Paranaque. She was 64. Siya’y isinilang nung April 15, 1958 at nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Women’s University.

Bago nalagutan ng hininga si Susan ay naroon ang kanyang mga pamangkin sa kapatid na si Cory, ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Susan na si Fatima, ka-klase at kaibigan ng yumao na si Dez, Liz Alindogan, Daria Ramirez at isang priest na nagdasal at nagbigay sa actress ng huling basbas.

Walang sariling pamilya si Susan hanggang sa kanyang pagyao.

Nung nabubuhay pa ang movie queen na si Susan Roces, ito ang regular na nagbibigay ng tulong sa tukayo para sa kanyang chemotherapy gayundin ang sister-in-law ni Boots Anson-Rodrigo na si Pempe Oreta. May iba pang tumutulong sa kanya tulad nina Liz Alindogan, Daria Ramirez, Gretchen Barretto at iba pa.

Magmula nang mawalan ng trabaho sa showbiz si Susan ay naging gala ito kung saan-saan at humingi ng tulong sa kanyang mga kakilala. There were times ay dumarating ito sa bahay ng actress na si Liz Alindogan-Kho in Paranaque na may bitbit na panindang mani. Binabayaran na lamang ito lahat ni Liz at inaabutan siya ng extra money para makatulong sa aktres.

Susan was cremated last Thursday, September 22. Balak ng magkaibigang Liz at Daria na bigyan ito ng three-day wake para makapag-bigay ng huling respeto sa kanya ang kanyang mga kaibigan, kakilala at kasamahan sa industriya.

At the peak of her career ay nagbida siya sa maraming pelikula at naging paboritong leading lady siya ng mga action star including Fernando Poe, Jr., Ramon Revilla, Sr., Rudy Fernandez, Bernard Bonnin, Dante Varona, Jun Aristorenas at iba pa.

She starred in her own movie in 1975, ang “Diwang Kayumanggi: Prinsesang Mandirigma” at magmula noon ay sunud-sunod na ang ginawa niyang pelikula sa iba’t ibang production companies.

Ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay ang “De Calidad” in 1976 na sinundan ng “Mainit, Malamig sa Magdamag,” “Labo-Labo sa Project 10-1/2,” “Ligaw-Tingin,” “Ginamingaw Ako, Ginagutom Ako,” “Rebelde Numero Uno,” “Last Target,” “Teritoryo Ko Ito,” “Diwatang Kayumanggi,” “Sobra Ka Na, Tama Na,” “Umaaaraw, Umuulan,” at iba pa.

Bago naging beauty queen at pumasok sa showbiz si Susan ay nagingcalendar girl siya ng White Castle whiskey in 1974.

The three-day wake and inurnment will be announced later.

KarlaKarla bumalik sa pag-aaral

MUKHANG na-inspire ni Ruffa Gutierrez ang kanyang kaibigang si Karla Estrada (47) dahil bumalik na rin ito ng kanyang pag-aaral sa Philippine Christian University (PCU).

Si Karla ay isa sa mga original members ng dating youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainmment” ni German `Kuya Germs’ Moreno. Magmula noon ay nag-evolve na ang singer-actress-host sa kanyang singing, acting and hosting career.

Sa loob ng limang taon ay naging bahagi siya ng daily morning show na “Magandang Buhay,” kung saan niya nakasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Pero nagpaalam siya sa programa nang mag-desisyon siyang pumasok sa pulitika bilang isa sa mga nominees ng Tingog Partylist na pinangunahan ni Rep. Yedda Romualdez, ang misis ng nahalalna Speaker of the House na si Martin Romualdez.

Siya’y pinalitan sa programa ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ngayong binalikan na ni Karla ang kanyang pag-aaral, mas marami pa umano siyang pangarap na gustong maabot.

Karla is also happy sa kanyang long relationship with non-showbizboyfriend na si Jam Ignacio.

Kring

Kring Kring Noble Queen Universe nominee

SINGER-actress and entrepreneur Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez is the newest candidate for the Noble Queen Universe na hawak dati ng singer-actress at entrepreneur na si Patricia Javier in 2019.

Kring-Kring is representing the Visayas and the coronation will be held in Tokyo, Japan this coming December 2022 para sa 4th edition ng pageant.

The advocacy beauty pageant of married women aims at helping variouscharitable institutions and promote sisterhood around the globe.

Kararating lang ni Kring-Kring galing Toronto, Canada kung saan niya inihatid ang kanyang second and youngest child na si Caden na doon nag-aaral.

Si Kring-Kring ay isa sa mga brand ambassadors ng Beautederm at may-ari ng Patio Victoria, isang events place/restaurant in Intramuros, Manila. Siya rin ang may-ari ng C–Salon na matatagpuan sa Robinsons Galleria.

Michelle kontrabida sa pagbabalik

MAGANDA na ang buhay ng dating beauty queen-actress na si Michelle Aldana sa South Africa kasama ang kanyang second husband at mga anak. Pero hindi pa rin niya matalikuran ang pag-arte after 24 years.

Si Michelle ay mapapanood sa pinakabagong afternoon TV serries ng GMA, ang “Nakarehas na Puso” na pinagsasamahan nila nina Jean Garcia, Leandro Baldemor at iba pa.

Ginagampnan ni Michelle ang papel ni Doris na magkakagusto kay Jack (Leandro Baldemor) na mister ng kanyang kaibigang si Amelia (Jean Garcia). Dito iikot ang conflict sa kanilang tatlo.

Although sanay si Michelle sa mga bida roles, ngayon lamang siya gaganap ng all-out contravida.

Ang “Nakarehas na Puso” ay matutunghayan simula sa Lunes, September 16, 4:15 p.m. sa afternoon block ng GMA.

Since malalaki na ang mga anak ni Michelle, puwede na umano siyang magpabalik-balik ng Pilipinas at South Africa kung saan naka-base ang kanyang pamilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit othe bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE