Paalam, Heber

November 16, 2021 Aster Amoyo 138 views

Heber1SUMAKABILANG-buhay last Monday evening, November 15 sa edad na 74 ang OPM music icon, folk-rock singer, songwriter, musician, poet, professor, virtual artist at founding member ng Banyuhay Band nung `70s at nagpasikat ng mga awiting “Nena” at “Ako’y Isang Pinoy” na si Heber Bartolome.

Si Heber ay tubong Cabanatuan City in Nueva Ecija. Ang kanyang music talent ay minana niya sa kanyang mga magulang na sina Deogracias Bartolome at Angelina Gonzalez-Bartolome. Ang kanyang ama ay dating pastor at manggagawa ng violin at guitars at naging band leader habang ang kanyang ina ay dating zarzuela singer. Nung siya’y nag-aaral pa ay naging miyembro si Heber ng ROTC Band maging ng Concert Chorus ng University of the Philippines. Naging founder din siya ng UP Astrology Society in 1974.

It was in late `60s nang siya’y magsimula sa kanyang career bilang folk singer but it was in the `70s nang makilala siya nang husto sa mainstream music industry. In 1993, kanyang ni-launch ang kanyang greatest hits album, ang “Mga Awit ni Heber” na siya lahat ang nag-compose at umawit. Nakapag-perform din niya sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa.

Heber was able to celebrate his 74th birthday nung nakaraang November 4 na dinaluhan ng isa sa kanyang mga kaibigan, ang folk-rock singer, actor-director na si Cesar Montano. He was known for his protest and social statement songs tulad ng kanyang hit songs nung `70s na “Nena” at “Ako’y Isang Pinoy”. Ang iba pa niyang mga awitin include “Tumindig Ka,” “Ihip ng Hangin,”

“Papayag Ka Ba?,” “Istambay,” “Katotohanan Lamang,” “Inutil ng Gising,” “Karaniwang Tao,” “Almusal,” “Pasahero,” “May Panahon Pa” at iba pa.

Si Heber ay nagtapos ng Fine Arts sa University of the Philippines nung 1973 at nagturo ng Filipino Literature sa De Sa Salle University (1981 to 1984) kung saan niya naging estudyante si sina Sen. Ralph Recto at si `Mr. Pure Energy’ na si Gary Valenciano among others.

Heber was also the songwriter ng “Ibong Adarna,” isang musical drama na ipinalabas sa Bulwagang Gantimpala in 1989. Naging dating miyembro rin siya at trustee ng Filipino Society of Composers, Inc. (FILSCAP).

Michael1MichaelKatrinaAmerican husband ni Katrina, pumanaw na

AS we were writing this column ay napag-alaman namin na sumakabilang-buhay na rin ang mister ng tinaguriang `Suklay Diva’ at Viva recording artist and performer na si Katrina Velarde, ang American musician and record producer na si Michael `Mike’ Shapiro, ex-husband ng popular German jazz artist na si Kevyn Lettau.

It was only last May 2021 nang ikasal sina Katrina at Mike in Tagaytay City at nag-desisyon ang huli na dito na sa Pilipinas mamirmihan dahil gustung-gusto niya ang kultura ng mga Pinoy.

Before they got married, si Mike ang dahilan kung bakit pabalik-balik ng Amerika si Katrina (before the pandemic) hanggang mag-desisyon ang una na rito na sa Pilipinas mamalagi.

Mike, a self-taught musician had worked with quite a number of popular artists in America bilang drummer, percussionist and record producer.

Six months as a married couple, tiyak na devastated si Katrina sa maagang pagpanaw ng kanyang husband (who is more than double her age) na malaki ang naituro at impluwensiya sa kanya bilang singer, songwriter and record producer.

Baby girl ang gustong maging anak ni Jennylyn

SA garden ng studio ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo in Quezon City ginanap ang intimate civil wedding ng Kapuso singers-actors na sina Jennylyn Mercado (34) at Dennis Trillo (40) last Monday morning, November 15.

Unang napabalita na nung nakaraang November 11 sila ikakasal (same day ng wedding nina Derek Ramsay at Ellen Adarna) pero four days later pala.

Mahaba-haba rin ang journey ng relasyon nina Jennylyn at Dennis na nauwi pa sa hiwalayan nung 2011 pero muli silang nagkabalikan in 2014 at nagtuluy-tuloy na ito hanggang ito’y mauwi sa proposal ng singer-actor nung October 8, 2021 na sinundan ng kanilang civil wedding nung nakaraang Lunes, November 15.

Hinintay muna ni Dennis na mag-forty bago siya nag-asawa. Ang singer-actor ay may 14-year-old son na si Calix Andreas Ho sa kanyang ex-girlfriend, ang dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar. Si Jennylyn naman ay may 13-year-old son na si Alex Jazz sa kanyang ex-boyfriend, ang actor na si Patrick Garcia. Kung silang mag-asawa ang masusunod ay gusto nilang girl ang kanilang maging unang baby na ipinagbubuntis ngayon ni Jennylyn at nakatakdang isilang sometime in May 2022.

Elisse sa US nanganak?

LAST Monday, November 15 ay ipinagdiwang ng ex-PBB partners at actors na sina Elisse Joson at McCoy de Leon ang 7th month ng kanilang cute baby na si Felize McKenzie kaya lumalabas na nung nakaraang April 15 isinilang ang bata.

Nalaman lamang ng publiko na may anak na sina Elisse at McCoy nang sila’y mag-guest last week of October sa PBB house at inimbitahan nila ang `invisible’ na si Big Brother na maging isa sa mga ninong sa binyag ng kanilang anak na si Baby Felize.

Sina Elisse at McCoy ay nagkalapit sa isa’t isang habang sila’y nasa loob ng Bahay ni Kuya bilang housemates nung 2016. Naging sila paglabas nila ng PBB house hanggang sa sila’y magkahiwalay in 2018. Pero pagkaraan ng isang taon ay muling nagkabalikan ang dalawa.

May suspetsa ang marami na sa Amerika nagsilang ang young actress dahil hindi ito nalaman sa Pilipinas until they both admitted sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 kung saan sila nag-guest.

Ngayong may baby na sina Elisse at McCoy, kelan naman kaya nila isusunod ang kanilang pagpapakasal?

Rayver at Janine two months nang hiwalay

GAANO kaya katotoo ang balita na mahigit isang buwan na umanong hiwalay ang magkasintahang Janine Gutierrez at Rayver Cruz? Wala umanong third party sa hiwalayan ng dalawa.

Kung si Rayver ay dating Kapamilya actor na lumipat ng GMA, si Janine naman ay dating Kapuso na nag-transfer sa Kapamilya network.

Magkasama sa management company sina Janine at Paulo na nanligaw din pala noon sa singer-actress na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Gutierrez). Ang dalawa ay siyang mga pangunahing bituin ng tumatakbong serye ng ABS-CBN, ang “Marry Me, Marry You”.

Malabo namang ma-link ang dalawang lead stars ngayon dahil may girlfriend na si Paulo, ang Polish-Filipino model na si Jodie Elizabeth Tarasek at halos four years na rin ang relasyon ng dalawa.

Marami naman ang nanghinayang sa paghihiwalay nina Janine at Rayver na inakala ng marami ay mauuwi sa kanilang pagpapakasal balang araw.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE