BOC Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mataas na koleksyon ng buwis noong 2024.

P931B koleksyon ng BOC ibinida ni PBBM

February 8, 2025 Chona Yu 187 views

BOC1AABOT sa P931 bilyong revenue ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC).noong nakaraang taon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbomg” Marcos, mas mataas ito ng P40 bilyon kumpara sa P890.446 bilyon na nakolekta noong 2023.

Kinilala ni Pangulong Marcos ang accomplishment report sa 123rd-anniversary celebrations ng BOC.

Ayon sa Pangulo, gagamitin ang nakolektang buwis sa pagpopondo sa educational at infrastructure systems at iba pang proyekto ng pamahalaan.

“Ibig sabihin, sa tamang pagkokolekta ng taripa sa ating mga pantalan, mas mabilis ang biyahe ng ating mga kababayan, magkakaroon ng sapat na kagamitan sa pag-aaral ng ating mga anak, at mapapagtapos natin sa kolehiyo ang mas marami pa nating mga kabataan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang mga tauhan ng BOC dahil sa dedikasyon sa trabaho.

“This is the kind of leadership that Filipino citizens require and this is what they deserve. So, we celebrate the BOC’s 123rd anniversary today with a challenge that involves everyone,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Sa lahat ng opisyal, inspektor, at kawani ng BOC: Lagi ninyong unahin ang kapakanan ng sambayanan. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin ng buong katapatan at may malasakit sa inyong kapwa Pilipino.”

AUTHOR PROFILE