BOC1

P76M halaga ng Kush naharang ng BOC, PDEA

March 1, 2024 People's Tonight 80 views

BOCNASABAT ng Bureau of Customs (BOC) sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang shipment na naglalaman ng pinatuyong high grade marijuana o kush na tinatayang nagkakahalaga ng P76 milyon sa Manila International Container Port (MICP).

Ang iligal na droga ay itinago umano sa limang balikbayan box na galing sa Thailand.

Nakatanggap umano ng tip ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP kaugnay ng kargamento na may lamang ipinagbabawal na gamot, misdeclared at underdeclared na mga item.

Agad na naglabas si MICP District Collector Romeo Rosales ng alert order laban sa shipment.

Sumailalim ang shipment sa physical examination noong Pebrero 27 at dito nadiskubre ang tinatayang 63,360 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P1,200 bawat gramo, ayon sa PDEA.

Pinuri naman ni Commissioner Bienvenido Rubio ang MICP at CIIS sa kanilang dedikasyon sa trabaho at pinaigting na kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

“Over the past year, the BOC has consistently demonstrated dedication in thwarting the infiltration of controlled substances across our borders. The commendable success of this operation sends a resounding message that we will not be stopped in our fight to protect the nation from the dangers of illegal drugs,” sabi ni Commissioner Rubio.

AUTHOR PROFILE