Leon Source: DSWD FB file photo

P731.1M ayuda sa mga biktima ng mga bagyong Kristine, Leon ibinigay ni PBBM

November 2, 2024 Chona Yu 111 views

AABOT na sa P713.1 milyong halaga ng ayuda ang naibigay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga biktima ng bagyong Kristine at Leon.

Ayon kay Office of Civil Defense Undersectary Ariel Nepomuceno, pagtalima ito sa utos ni Pangulong Marcos .na tiyakin na nabibigyan ng sapat na tulong ang mga nasalanta ng bagyo.

Kabilang sa mga ibinigay na ayuda ang relief goods, power supply, at medical assistance.

Namigay na rin aniya ang Department of Social Welfare and Development ng family food packs (FFPs), family kits, family tents, hygiene kits, sleeping kits, laminated sacks, at iba pang non-food\ Items.

Namigay na rin aniya ang DSWD humanitarian assistance na nagkakahalaga ng P525,000 sa mga nasalanta ng bagyo sa Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa P4.5 milyong halaga ng medical at health assistance sa mga biktima ng bagyo.

AUTHOR PROFILE