Default Thumbnail

P72M gov’t ayuda natanggap ng mga apektado ng Mayon

June 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 210 views

UMABOT na sa P73.9 milyong halaga ng tulong ang naibigay ng gobyerno sa mga komunidad na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Mayon Volcano sa Albay.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, kabilang sa tulong na naipamahagi ng gobyerno ang distilled water, assorted clothes, hygiene kits, tents, shelter materials, family food packs, sleeping kits at gasoline.

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC nitong Miyerkules, umabot na sa 10,171 pamilya o 39,057 katao na nakatira sa 26 barangays sa Bicol Region ang apektado ng tuloy-tuloy na paga-aalburuto ng bulkan.

Nasa 5,466 pamilya o 18,999 karao ang nasa loob ng 28 evacuation centers habang ang iba ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa labas ng evacuation centers.

Sa kasalukuyan, nanatiling nasa alert level 3 ang paligid ng bulkang mayon.