P700M pananim, gamit sinira ng 3 bagyo; ayuda handa na
UMAABOT sa mahigit P700 milyong halaga ng mga pananim at kagamitan ang nasira dahil sa pananalasa ng mga bagyong Nika, Ofel at Pepito sa ilang rehiyon.
Base sa bulletin no. 11 ng DA, umabot na sa ang kabuuang halaga ng nasira ng mga bagyo sa P785.68 milyon at 34,111 na magsasaka at mangingisda sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Eastern Visayas ang apektado rin.
Kabilang sa mga nasirang produkto ang bigas, mais, kamoteng kahoy, mga high value crops, manok, fisheries at mga agri-facility.
Batay pa sa report, mayroong 41,076 ektarya ng agricultural areas ang nasira samantalang umabot sa 30,366 metriko tonelada (MT) ang production loss volume.
Nahahati sa mga sumusunod ang volume ng production loss: 19,130 metric tons (MT) sa palay, 6,696 MT sa high value crops, 4,100 MT sa kamoteng kahoy at 441 MT sa mais
Sa sektor ng pangingisda, naitala ang volume ng production losses sa 0.17 MT.
Upang makabawi ang mga magsasaka at mangingisda sa epekto ng mga naturang bagyo, magbibigay ang DA ng mga iba’t-ibang tulong katulad ng P145.08 milyong halaga ng bigas, mais at binhi ng gulay, gamot at biologics para mga hayop at manok sa Region I, III, V, VI, VII, VIII at X.
Magbibigay din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng fish stock at paraphenalia sa mga isda, samantalang nagpalabas na rin ang National Food Authority (NFA) ng 6,656 na bag ng bigas.
May inilaan pa na P1 bilyon Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon at recovery ng mga apektadong lugar at P25,000 na loanable amount mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na maaaring bayaran ng walang interest sa loob ng tatlong taon.
Babayaran din ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng indemnification ang mga insured na apektadong magsasaka.
Kabilang sa mga aksyon ng DA sa mga apektadong lugar ang pagsasagawa ng assessment at validation sa mga nasira sa mga agricultural at fisheries areas; patuloy na pagmonitor sa mga presyo ng bilihin at paggalaw ng mga produktong agrikultura at ang mobilization ng mga KADIWA trucks para sa logistical assistance ng pagbiyahe ng mga produktong agrikultura.