Default Thumbnail

P6M buwan-buwan nilalaan ng ACT CIS para sa libreng gamot nationwide

July 25, 2021 People's Tonight 328 views

DALHIN lang po ninyo ang inyong mga reseta sa aming opis at kami na ang bahala sa inyong mga gamot”.

Ito ang panawagan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa mga mahihirap na may sakit subalit walang kakayahang bumili ng gamot.

“Sa mga hindi nakakaalam, three years na po kaming namimigay ng libreng gamot sa mga may dalang reseta at indigency letter sa aming opis. Hindi lang po ang may prescription ang binibigyan namin, pati yung kailangan ng mga infant formula at mga diaper at di kaya bumuli nito, binibigyan na rin namin,” ani Yap.

Ayon kay Yap, umaabot sa P5 milyon hanggang P6 milyon kada buwan ang ginagastos ng ACT -CIS para sa mga gamot simula nang maupo sila sa kongreso.

Matatagpuan ang punong tanggapan ng ACT-CIS sa 58 Timog Avenue, Quezon City.

“Hindi man po namin mabili ang lahat ng gamot sa reseta pero we make sure na may gamot yung tao na lalapit sa amin at least for two weeks na gamutan,” paglilinaw ni Yap.

AUTHOR PROFILE