Shabu SEIZED SHABU FROM AFRICA. The 994 grams of imported shabu worth P6,759,200 declared as “spare parts” seized at the Port of Clark. Photo by BERNARD GALANG

P6.7M na shabu nasabat sa Clark

April 4, 2025 Bernard Galang 214 views

MABALACAT CITY, PAMPANGA–Nasabat ng mga awtoridad noong Biyernes ang 994 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,759,200 sa Port of Clark.

Ang parcel naglalama umano ng “spare parts” mula sa East Africa at dumating sa Port of Clark noong Marso 26.

Ayon sa PDEA Clark, natuklasan ng BOC-Port of Clark ang droga sa routine profiling shipment at x-ray examinations.

Positibo ang naging resulta gayundin ang K-9 sweeping ng PDEA Special Eforcement Service (SES) K-9 Unit.

Nakumpiska ang apat na transparent plastic package na naglalaman ng hinihinalang shabu at sasailalim sa forensic examination sa PDEA RO3 laboratory.

AUTHOR PROFILE