Source: File photo
P6.352T 2025 nat’l budget, lalagdaan ni PBBM sa Dec. 20
LALAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P6.352 trilyon 2025 national budget sa Disyembre 20 ng 9:00 ng umaga.
Ito ay matapos makalusot sa bicameral conference committee ng Kongreso ang pambansang pondo.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, gagawin ang ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang.
Mas mataas ito ng 10.1 percent mula sa kasalukuyang budget na P5.768 trilyon.
Mapupunta ang pinakamalaking pondo sa Department of Education na aabot sa P793.740 bilyon.
Una nang umapela si Pangulong Marcos sa Kongreso na tiyaking may sapat na pondo ang mga priority projects ng administrasyon.