Pangandaman

P5.768T budget para sa 2024 isinumite kay PBBM

July 25, 2023 People's Tonight 247 views

ISINUMITE ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kopya ng panukalang P5.768 trilyong budget para sa susunod na taon.

Ang kopya ng National Expenditure Program (NEP) ay personal na tinanggap ni Pangulong Marcos bago ito umalis patungong Malaysia.

“We will present this to Congress, we will defend the President’s budget as much as we can. Our [national] budget is a budget that is responsive to the pressing issues that we have now. At ito pong budget na to ay magsasabi na meron po tayong Bagong Pilipinas,” ani Secretary Pangandaman.

Isusumite ng DBM ang NEP sa Kongreso sa susunod na linggo.

“Following Cabinet approval, the budget is ready for presentation. This budget will be submitted to the House of Representatives on August 2,” sabi ng DBM Secretary.

Mas mataas ng 9.5 porsyento ang panukalang 2024 budget kumpara sa P5.268 trilyong budget ngayong taon.

“The proposed national budget will continue to prioritize expenditure items that promote social and economic transformation through infrastructure development, food security, digital transformation, and human capital development,” dagdag pa ni Secretary Pangandaman.

AUTHOR PROFILE