BOC2

P323M halaga ng smuggled na sigarilyo sinira ng BOC Zamboanga

December 1, 2023 People's Tonight 167 views

BOCBOC1BOC3SINIRA ng Bureau of Customs, Port of Zamboanga ang P323.59 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo.

Ang pagsira sa 5,624 master cases at 1,171 reams ng iba’t ibang brand ng sigarilyo na nakumpiska ay ginawa sa warehouse ng BOC sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Ang mga sigarilyo, ayon sa BOC-Zamboanga ay nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, mula Mayo hanggang Nobyembre 2023.

Pinangunahan ni Engr. Arthur G. Sevilla Jr., acting District Collector ng Port of Zamboanga, ang naturang condemnation activity na sinaksihan ng mga tauhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na katuwang ng BOC sa anti-smuggling campaign nito.

Pinuri ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio si Sevilla at mga tauhan nito sa pagpigil sa pagpasok ng mga produkto na hindi idinaraan sa legal na proseso.

“The Bureau of Customs will be persistent in its relentless efforts in stopping the proliferation of unlawfully imported tobacco products in the country and safeguard the nation’s interests against smugglers”, ani Commissioner Rubio.

Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay binasa ng tubig ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection bago pinagdaanan sa payloader at itinapon sa sanitary landfill sa Brgy. Salaan.

AUTHOR PROFILE