PCSO

P304M jackpot ng Ultralotto hindi tinamaan

November 30, 2022 People's Tonight 1457 views

INAASAHAN na lalo pang lalaki ang jackpot prize ng Ultralotto 6/58 matapos na hindi tamaan ang winning number combination sa bola gabi ng Martes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) umabot ang aktwal na jackpot prize sa P304.9 milyon.

Walang nakakuha sa winning number combination na 38-55-26-32-20-09.

Nanalo naman ng tig-P120,000 ang 16 mananaya na nakalimang numero.

Tig-P2,000 naman ang tinamaan ng 1,003 mananaya na nakaapat na numero at tig-P100 naman ang tinamaan ng 25,012 na nakakuha ng tatlong numero.

Ang Ultralotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

AUTHOR PROFILE