
P3.4M na shabu nasamsam sa 2 suspek na tulak
CABANATUAN CITY–Hindi bababa sa P3.4-milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspek na natimbog noong Miyerkules sa buy-bust sa panunungkulan ni Lt. Col. Renato Morales, ang hepe ng pulisya.
Naaresto ang live-in partners na sina alyas Donny, 42, at alyas Belle, 47.
Sinabi ni Morales na umabot sa 500 gramo ang dami ng shabu na nasamsam sa kanila.
Natimbog ang mga-live in sa Purok 2, Bgy. Sta. Arcadia dakong alas-11:20 ng umaga, ayon sa rep
Nasamsam mula sa mga suspek ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.