P29 PER KILO NA BIGAS
Ipinapakita nina National Irrigation Administration (NIA) chief Eduardo Guillen at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang sample ng bag ng P29 per kilo na bigas sa turnover ng NIA equipment sa Mexico, Pampanga Miyerkules ng umaga. Mula sa NIA’s contract growing project, ang P29/kilo na bigas ay magiging available na sa iba’t ibang ‘Kadiwa sa NIA’ sa bansa kung saan bawat mamimili ay may 10-kg purchase limit. Pinangako ni Speaker Romualdez ang buong suporta sa mga program ng gobyerno na may layuning pataasin ang ani ng bigas at ibaba ang presyo nito. Kuha ni VER NOVENO