Mendoza Atty. Vigor Mendoza II, Chairman at President 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK). Kuha ni JUN I. LEGASPI

P2 dagdag-pasahe sa jeep hinihirit

May 5, 2022 Jun I. Legaspi 136 views

MARIING hiniling ng transport group ang agarang implementation P2.00 provisional increase sa regular fare habang pending sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P14.00 petition fare increase para sa Metro Manila, Central Luzon, at Southern Tagalog.

Sa interview kay Atty. Vigor Mendoza II, chairman at national rresident ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) sinabi nito makatwiran lamang na ipatupad ang P2.00 provisional increase dahil sobrang taas ng diesel umakyat na ito sa P81.00 per liter.

Kung ipatupad ng LTFRB ang hiling ng transport group, ang pansamantalang magiging pamasahe ay P11.00 mula sa kasalukuyang P9.00, saad ni Mendoza.

“Dugong-dugo na ang public transport kahit fleet operator pa, lalo na yung mga small operators at walang ibang means kundi itaas ang pamasahe para makasabay sa lahat ng pangangailangan,” saad ni Mendoza II.

“Hindi lang isyu ng diesel at gas ito, dahil pati spare parts, battery, gulong, essential products tulad ng alcohol, face mask, Internet at mga disinfectants products ay patuloy ang pagtaas, lahat ito essential sa public transportation lalo na sa jeepney sector tulad namin,” saad ni Mendoza II.

“Malaking tulong ang P2.00 provisional increase para ma-sustain namin ang daily operational expenses kasama diyan ang salary ng mga support personnel gaya ng mekaniko, at conductors, hindi pa kasama ang mataas na presyo ng mga prime commodity,” dagdag pa ni Mendoza II.

Sa hiwalay na interview suportado ng iba’t-ibang transport groups – jeepney, taxi, bus, TNVS (transport network vehicle service), motorcycle taxi, tricycles at vans ang P2.00 provisional fare increase na hiling ng 1-UTAK.

Dapat lang daw ito dahil napakataas ang presyo ng gas, diesel at ang ayuda na sinasabi bukod sa delay ay hindi pa lahat makikinabang, paliwanag ng mga transport groups.

Nakatakda naman dinggin ng LTFRB ang P14.00 fare increase ng transport group sa Mayo 26, 2022, ayon kay Mendoza.

AUTHOR PROFILE