Mendoza Si Atty. Vigor Mendoza II, chairman Kilusan ng Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon at fleet operator ng Beep Jeep

P2.75 fare hike kailangan pa rin — transport leader

October 31, 2021 Jun I. Legaspi 317 views

BUKOD sa rollback ng diesel at increase seating capacity kailangan pa rin ang P2.75 increase na pamasahe, ayon sa isang transport leader at fleet operator.

Paliwanag ni Atty. Vigor Mendoza II, Chairman ng Kilusan ng Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon (KAPIT) at fleet operator ng Beef Jeep, sa tindi nang pagtaas ng gastusin hindi sapat ang 70% o 100% seating capacity increase sa public transportation lalo na sa jeep.

Ayon pa kay Mendoza kahit maliit lang, maraming salamat sa rollback, yung increase passenger load laking tulong, pero kahit ipagsama mo ang dalawang positive news na ito ang laki pa rin ng hahabulin para makabawi ang mga driver at operator sa tindi nang pagtaas ng gastusin.

“The issue now is not petroleum product or diesel alone, nandyan yung ating daily needs gatas, tubig, kuryente, bigas, tinapay, mantika, gamot, load, at iba pang essential ang tindi talaga nang presyo ng mga bilihin ngayon,” saad ni Mendoza.

Sa mga operator malaking issue ang mataas na presyo ng mga spare parts, tulad ng battery, gulong, iba pa yung issue ng interest sa mga bangko at mga financial institution na pinagkakautangang ng mga operator.

“Lahat naman biktima ng pandemic kaya nga humihingi kami ng pang unawa bukod sa big time rollback ng diesel at dagdag pamasahe suspindihin din yung mga taxes, malaking tulong sa mga operator yun,” saad ni Mendoza.

Bukod pa dito yung daily additional cost para masigurado ang safety protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) tulad ng mga alcohol, regular daily disinfectant ng garahe, at mga unit bago bumiyahe, ani Mendoza.

Sa hiwalay na interview umayon ang mga tranport group leader at driver sa paliwanag ni Mendoza.

Ayon sa mga driver maganda kung ngayon pa lang magpatupad na agad ng big time rollback sa diesel para maramdaman naman namin ang kita namin.

Ayon sa mga driver sa ngayon kahit sabihin pang increase ang seating capacity nauuwi lang sa gastos ng diesel ang kinikita ng driver yan ang maliwanag na katotohanan kahit sino ang tanungin mo bukod pa nga sa tindi ng presyo ng mga bilihin, saad ng mga jeepney driver.

Sa Thursday (November 4, 2021) ipatutupad na ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang increase ng seating capacity sa public transportation.

AUTHOR PROFILE