Winnie Castelo

P1B ayuda ipinanukala ni Councilor Castelo para sa mahihirap na mga pamilya ng Q.C.

August 17, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 385 views

ISINULONG ni 2nd District Councilor Winnie Castelo ang paglalaan ng P1 bilyong ayuda para sa mga mahihirap na pamilya ng Quezon City na hindi nakasama sa social amelioration program (SAP) ng pambansang pamahalaan ngayong ipinapatupad ang hard lockdown sa Metro Manila hanggang Agosto 20.

Sinabi ni Castelo, kasapi ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) na pinamumunuan ni House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez bilang pangulo, na umabot lamang sa P2.4 bilyong ayuda ang inilabas ng Malacañang para sa 836,674 kuwalipikadong mga benepisyunaryo sa Quezon City.

“It was reported that there are other Quezon City residents whose names are not on the beneficiary master list but who are considered indigents and low-income earners and are also affected by the two-week lockdown or enhance community quarantine (ECQ),” ani Castelo.

Bukod sa nasabing mga pamilya, sinabi ni Castelo na mayroong mga residente ang nawalan ng trabaho o kaya naman ay tatlong oras kada araw sa apat na raw na pasok sa loob ng isang linggo lamang ang kasalukuyang sistema ng pagpasok sa trabaho.

“Like those in the SAP master list of the Department of Social Welfare and Development (DSWD), those not in the list and the jobless and underemployed need ayuda or financial assistance. It is the latter group that the proposed ordinance intends to help,” dagdag ni Castelo.

Naniniwala si Castelo na maaaring kunin ang pondo sa savings, incoming revenue collections at iba pang pondo sa badyet ng Q.C. ngayong 2021.

Ibinaliktanaw ni Castelo na naglaan ang Q.C. ng P1.2 bilyon bilang karagdagang ayuda sa huling ECQ.

Sa ilalim ng panukalang Ordinance PO21 – CC 426, makakatanggap ang kuwalipikadong benepisyunaryo ng P1,000 o maximum na P4,000 bawat pamilya o parehong halaga na natatanggap na ayuda sa master list ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Castelo na maaring tawagin ang ordinansa bilang SAP 2 sa Quezon City.

AUTHOR PROFILE