P14 minimum fare hinihirit sa LTFRB

January 31, 2022 Jun I. Legaspi 122 views

HINILING ng major transport groups ang P14.00 regular fare para sa National Capital Region, Central Luzon at Southern Tagalog, ayon sa isang transport leader at fleet operator.

Sa interview kay Atty. Vigor Mendoza II, Chairman ng 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) kasama ang PASANG-MASDA, ni Ka Obet Martin, Melencio Vargas ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association o the Philippine (ALTODAP) at Liberty de Luna ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa pagsampa ng petition sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Monday.

Ayon kay Mendoza, nakasaad sa kanilang hiling bukod sa additional P5 increase karagdgan P2.50 additional sa bawat kilometer.

Sa ngayon ang regular fare P9.00 at dagdag na P1.50 sa bawat kilometer, saad ni Mendoza II.

Ayon pa kay Mendoza nakasaad din sa kanilang manifestation na dapat ibalik na muna agad ng LTFRB ang P10 pamasahe habang pending at i-schedule ang hearing ng kanilang petition.

Nagbigay ng matibay na mga dahilan si Mendoza kung bakit dapat ibigay agad ng LTFRB ang P5 increase.

“Hikaos na hikaos na ang transport industry kailangan namin ang dagdag pasahe to survive,” saad ni Mendoza.

Paliawanag pa ni Mendoza bukod sa P54.37 per liter ang presyo ng diesel ngayon, o tumaas ng P16.27 per liter ipinakita din nito sa kanilang petition maging ang engine oil ay tumawas ng 17% dating P195 ngayon 230 per liter, tumaas ng 44%, clutch lining dating P1,950 ngayon P2,820, tumaas ng 8%, brake fluid dating P230 ngayon P265 tumaas ng 26% gear oil dating P210 ngayon P265 tumaas ng 26% at ang gulong na dating P5,000 ngayon P5,600 tumaas din ng 12%.

Gayun din ang additional na gastos sa para i-maintain ng healthy at safety protocols, tulad ng regular disinfectant sa lahat ng units at mga garage, alcohol sa lahat ng mga units, at iba pang gastusin para mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng drivers, conductors, messengers, mechanics lalo na ang mga pasahero.

Ayon pa rin kay Mendoza isa pang alalahanin ay ang limitadong pasaherong sumasakay dahil na rin sa 50% lamang ang seating capacity na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force o (IATF).

Giit din ng grupo ang kanilang suliranin sa kanilang mga obligasyon sa mga bangko at mga financial institutions.

Ayon kay Mendoza umaasa ang apat na major transport group na ibibigay ng LTFRB ang kanilang hiling na P5 dagdag pasahe sa fare at P2.50 sa bawat kilometer.

Sa mga susunod na araw nakatakda rin magsampa ng petition of fare increase ang Metro Manila Bus Association.

AUTHOR PROFILE