Cebu Inihayag ni Regional Director Police Brig.General Anthony A. Aberin na nasamsam ang illegal na droga na umabot sa P11 million halaga kabilang ang isang barill sa isinagawang buy-bust operation sa Consalacion, Cebu. Kuha ni JONJON C. REYES

P11M droga nasamsam ng Cebu police sa Consolacion

April 12, 2024 Jonjon Reyes 125 views

DAHIL sa walang tigil na paghuli at pagpuksa laban sa iligal na droga sa Cebu Police Provincial Office, natimbog ang isang 46-anyos na lalaki sa buy-bust operation na isinagawa sa Brgy Jugan, Consolacion, Cebu, Miyerkules ng gabi.

Sa direktiba ni Police Brig. General Anthony A. Aberin, naging matagumpay ang isinagawang buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit ng Cebu Police Provincial Office (CPPO), sa pakikipagtulungan ng kapulisan sa Consolacion Municipal Police Station, na nagresulta sa pagkakasamsam ng P11 milyong halaga ng shabu, Smith and Wesson .22 caliber revolver na walang lisensiya at iba pang mga drug paraphernalia.

Kinilala ang suspek na si alyas Stephen, high-profile drug suspect, na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya sa Consolacion MPS.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 at R.A 10591.

Pinapurihan ni PRO7 Regional Director, PBGen Aberin ang mga operating team sa kanilang walang patid na pagsisikap at paghuli sa mga drug suspek sa Central Visayas.

“Ang makabuluhang tagumpay na ito ay isang malinaw na indikasyon na ang mga pagsisikap ng PRO7 ay epektibo, at ang komunidad sa Central Visayas ay dapat makatiyak na patuloy nating hahabulin ang mga may kinalaman sa mga aktibidad ng ilegal na droga nang walang humpay,”pahayag ng butihing heneral.

AUTHOR PROFILE