Default Thumbnail

P116K droga nakuha sa lalaki sa QC bust

July 29, 2022 Melnie Ragasa-limena 353 views

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki at nakumpiska ang Php116,400 halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Cubao Police Station (PS 7) sa Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Kinilala ni PLTCol. Joseph Euje DC Almaquer, Station Commander ng PS 7, ang suspek na si Nelson Dondon Ponferada, 35 taong gulang at residente ng Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 7 dakong ika-9:20 ng gabi, Hulyo 26, 2022, sa harap ng Chua Bldg., P. Tuazon Blvd., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalagang P20,400 at 800 gramo ng marijuana na nagkakahalagang Php96,000.00, isang cellphone, isang RUSI Motorcycle at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Sasampahan ang suspek para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.