Sibuyas Ang dalawang shipment ng mga puslit na sibuyas ay naka-consigne ay idineklarang “fresh yellow onions” mula China.

P10M halaga ng smuggled red onions nakumpiska ng BOC

July 20, 2021 People's Tonight 210 views

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang may P10 milyong halaga ng mga smuggled red onions nitong Sabado, bunsod nang pagsusumikap nilang paigtingin pa ang border control laban sa ilegal na pag-aangkat ng mga agricultural products at suportahan ang lokal na industriya na matinding naaapektuhan ng mga smuggling activities.

Nabatid na ang dalawang shipment ng mga puslit na sibuyas ay naka-consign sa isang Flevo Trading at idineklarang “fresh yellow onions” mula China.

Ang naturang pinakahuling operasyon ay isinagawa ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BOC sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa CIIS, nakatanggap sila ng impormasyon na ang mga shipments na naka-consigned sa Flevo Trading ay naglalaman ng pulang sibuyas na walang required permits mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Ang Chinese supplier nito ay siya ring shipper ng mga unang shipments na nasabat ng CIIS-MICP.

Kaagad namang nag-isyu si MICP District Collector Romeo Allan Rosales ng Alert Order upang isailalim sa shipments sa 100% examination noong Hulyo 9. Dito natuklasan na isa sa mga shipment ay may lamang pulang sibuyas.

Ang eksaminasyon ay isinagawa ng Formal Entry Division (FED) at sinaksihan ng mga miyembro ng Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC.

Matapos ang 100% examination, isang Warrant of Seizure Detention ang inisyu laban sa mga shipments.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang ahensiya ay nakasabat ng mga illegal shipments ng mga pulang sibuyas.

Noong huling bahagi ng Hunyo, nakakumpiska rin ang BOC ng P10 milyong halaga ng pulang sibuyas na nakatago sa isang shipment na idineklarang naglalaman ng ice cream.

Ayon sa CIIS, ang mga pulang sibuyas ay regulated goods, kaya’t kinakailangan ng consignees nito na kumuha ng mga permits at dapat ring tamang ideklara ang mga ito.

Ito ay bahagi ng direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na protektahan ang mga borders laban sa illegal importation activities.

AUTHOR PROFILE