Sunog DESTROYED BY THE BLAZE. Some P10-million worth of property was destroyed in a fire that hit food stalls and other establishments at the back of Old Capitol Bldg. compound in Bgy. Quezon District, Cabanatuan City, Nueva Ecija last Thursday. Photo by STEVE GOSUICO

P10M ari-arian naabo sa sunog sa lumang Cabanatuan capitol compound

December 7, 2024 Steve A. Gosuico 285 views

CABANATUAN CITY–Aabot sa halos P10 milyon ang halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na lumamon sa 10 establisyemento sa loob ng lumang capitol compound sa Brgy. Quezon District sa siyudad na ito noong hatinggabi ng Huwebes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naiulat ang insidente dakong alas-11:41 ng gabi.

Kabilang sa mga naabo ang opisina ng Boy Scouts of the Philippines-Nueva Ecija Chapter, Language Skills Institute, Civilian Security Unit at pitong karinderya.

Hinihinala ng mga otoridad na nagsimula ang sunog sa isang karinderya na kasama sa natupok ng apoy.

Idineklarang under control ang sunog bandang alas-12:31 ng madaling araw at naapula ala-1:13 ng madaling araw.

AUTHOR PROFILE