Dennis2

P100,000 cash prize ipinamigay ni Dennis sa mga preso

December 29, 2024 Vinia Vivar 96 views

Ibinigay pala ni Dennis Trillo ang kanyang cash prize for Best Actor na P100,000 sa mga PDL (persons deprived of liberty) o mga preso.

May papremyo kasing cash ang Metro Manila Film Festival sa mga nagwaging Best Actor and Best Actress sa ginanap na Gabi ng Parangal last Friday.

Ayon sa isa sa managers ni Dennis na si Jan Enriquez sa kanyang Instagram post, hindi na kinuha ng mag-asawang Dennis at Jennylyn Mercado ang cash prize.

“GOLDEN BEST ACTOR WITH A GOLDEN HEART,” ang titulo ng post ni Jan.

“In case you are wondering, right after Dennis accepted his award ay may lumapit sakin na staff para iclaim na daw ang napanalunan 100k courtesy of sponsor Playtime.

“So ako na nagclaim on Dennis’ behalf and inabot sa akin ito in cash (o di ba? Because why not),” kwento ng manager.

Pero nang iabot daw niya kay Jen ang cash ay hindi nito tinanggap at sinabing i-donate na lang sa mga PDL.

“laabot ko na dapat kay Jen, then sabi ni bessie, “bessie, i-donate na lang natin iyan sa mga PDL.”

“And agad agad ko itong inabot kay JC Rubio na siyang may konek sa grupong mga PDL kung saan hango o inspired ang Tree of Hope.

Lingid sa kaalaman nyo na may totoong Tree of Hope sa isang facility and doon po gagamitin ang 100k… para matupad ang mga munti nilang hiling,” ani Jan.

“Ito rin po ang mga hiling na nagrant noong presscon at beneficiary dn ng cash prize ng team Green Bones sa Family Feud,” patuloy niya.

Kasunod nito ay nagpasalamat si Jan kay Dennis.

“Thanks for your kindess Dennis! You truly embody our movie’s main message,” ang pasasalamat ni Jan sa Brightburn Entertainment CEO and president.

Matatandaang si Dennis ang itinanghal na Best Actor sa MMFF Gabi ng Parangal 2024 last Dec. 27 para sa kanyang natatanging pagganap sa “Green Bones.”

Sa nasabing pelikula ay ginampanan ng aktor ang papel ng bilanggong si Domingo Zamora kaya no wonder na napalapit na sa puso niya ang mga PDL.

AUTHOR PROFILE