Default Thumbnail

P1.6-M tinangay sa Ecija hardware

May 24, 2023 Steve A. Gosuico 253 views

CABANATUAN CITY – Nasa P1.6-milyon ang umano’y natangay sa sinasabing pagnanakaw diumano ng mga katulong ng isang hardware store sa Licab, Nueva Ecija nitong Lunes, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang biktima at may-ari ng hardware ay isang 48-anyos na negosyante na residente ng Barangay Sta. Maria, Licab.

Agad siyang humingi ng tulong sa pulisya matapos matuklasan na nawawala ang malaking halaga ng salapi sa kanyang tindahan alas-3:20 ng hapon noong Mayo 22.

Sa inisyal na ulat, pagpasok niya sa cashier’s booth, nakita ng biktima na wasak ang kanyang steel cabinet at nawawala ang humigit-kumulang P1.6-million cash na nasa loob nito.

Sinabi ni Provincial police information officer Captain Franklin Sindac na ang sumunod na follow-up operations ay humantong sa pagkakaaresto sa dalawang suspek, kapwa lalaki, residente ng Bgy. San Jose, Licab at sinasabing mga helper umano ng biktima.

Dalawang iba pang mga suspek ang nananatiling at-large at ngayon ay subject ng police manhunt operations, ani Sindac.

Inihahanda na ngayon ang isang criminal complaint na robbery para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek sa provincial prosecutor’s office.

AUTHOR PROFILE