Edd Reyes

P/Col. Rosalino “Jhun” Ibay hinihimok tumakbong konsehal sa Tondo

August 14, 2024 Edd Reyes 1107 views

MARAMI ang nanghinayang sa maagang pagreretiro si dating Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) P/Lt. Col. Rosalino Ibay, Jr.

Kung tutuusin kasi, dalawang hakbang na lang ay posibleng estrella na ang ilagay sa kanyang balikat lalu na’t dalawa na ang nakuha niyang bulaklak dahil sa dami ng kanyang accomplishments

Simula pa lang kasi nang pamunuan niya ang Anti- Carnapping and Hijacking Unit sa Manila Police District (ANCAR-MPD) noong 2013 bilang P/Captain, naalis niya ang bansag sa Maynila bilang carnapping capital ng Pilipinas dahil sa ginawa niyang sistematikong hakbang upang madakip ang mga carnapper at mabawi ang libo-libong nakaw na sasakyan.

P/Major na siya nang matalaga bilang hepe ng Intelligence and Operations Unit ng MPD at pamunuan ang pagbuwag sa mga sindikato ng human trafficking, illegal recruitment at prostitusyon, pati na ang matagumpay na pagdakip sa mga notoryus na kriminal sa Tondo kung saan siya isinilang at lumaki, pati na ang paghuli sa mga suspek na may kagagawan ng talamak na pagkalat ng mga ipinagbabawal na imported ng produkto.

Pero hindi lang sa trabahong pulis nakita ang galing ni Col. Ibay kundi sa pagbuo rin ng organisasyon na ang layunin ay hindi lang sa pagsugpo sa krimen, kundi magkaloob ng serbisyo at tulong sa mga mahihirap na pamilya sa Tondo tulad ng pagbuo niya ng Barangay Management System at ang Buklod ng Alyansang Nagkakaisang Anak ng Tondo o BANAT na kanyang pinamunuan.

Hindi rin matatawaran ang dami ng kanyang tinanggap na parangal at pakilala, kabilang ang pagiging Best Provincial Chief noon siya pa ang hepe ng Highway Patrol Group ng Davao del Norte, Best Junior PCO noong 2013 at 2015, at marami pang iba na ang pinakatampok ay ang pagiging “Most Outstanding Filipino Award” na ipinagkaloob sa kanya ng Metrobank Foundation

Sa ngayon, malakas ang panawagan ng mga residente ng Unang Distrito ng Tondo na tumakbo bilang Konsehal si Col. Ibay sa mid-term election sa susunod na taon upang higit pa niyang maipagkaloob ang tulong at serbisyo sa mga kababayan dahil tulad ni dating Yorme Isko, isa rin siyang “Batang Tondo”.

Mga anak ng mangingisda sa Navotas nabigyan ng scholarship

PINAYUHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang 10-anak ng mga rehistradong mangingisda sa lungsod na nabigyan ng scholarship sa Navotas Polytechnic College (NPC) na mag-aral mabuti at panatilihin ang kanilang grado upang maabot ang kanilang pangarap.

May P16,500 na transportation at food allowance at P1,500 pagbili ng aklat kada taon ang mga scholars batay sa nakasaad sa nilagdaang kasunduan nina Mayor Tiangco, ng NPC at mga rehistradong mangingisda.

Bukod dito may 2,334 ding kuwalipikadong estudyante sa Navotas na nakapasa sa pagsusulit ang nabigyan ng NPC Full Scholarship Grant para sa school year 2024-2025 habang handa ring pagkalooban ang mga estudyanteng may mataas na grado sa akademya, palakasan at sining,

SM Supermalls, pinasalamatan sa kanilang Operation Tulong Express

LUBOS ang naging pasasalamat ng mga residente sa mga Lungsod ng Caloocan, Malabon, at Valenzuela na nasalanta ng matinding baha dala ng habagat at bagyong Carina sa SM Supermalls at SM Foundation dahil sa ipinagkaloob na tulong sa kanila.

Sa Caloocan City, nanguna ang SM City Grand Central at SM Center Sangandaan sa pamamahagi ng relief packs sa may 1,000 pamilya habang ang SM Savemore naman sa Malabon ang nag-door-to-door sa distribusyon ng tulong sa Barangay Tañong at Barangay Potrero.

Umabot naman sa 1,200 relief packs ang ipinamahagi ng SM City Valenzuela sa mga evacuation centers sa Malinta na bahagi ng kanilang Operation Tulong Express na isang programa ng SM Foundation sa tulong ng SM Supermalls at SM Markets.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected].

AUTHOR PROFILE