P.8M shabu nasamsam; ‘pusher’, 7 parokyano timbog sa Sta. Cruz

June 26, 2022 Jonjon Reyes 60 views

NAARESTO ng mga tauhan ng Station Anti- illegal Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District ang isang hinihinalang pusher at umano’y pitong parukyano nito sa panulukan ng Herrera at Lacson Sts., sakop ng Barangay 344 , Sta.Cruz, Manila iniulat ng pulisya.

Nasamsam ang 116 gramong hinihinalang shabu na estimated na may halagang mula P788,000 hanggang P800,000.

Nakilala ang target ng operasyon na si Ferdinand Calaguas alias Ferdie, 55, binata, at residente ng Gagalangin, Tondo.

Si Calaguas ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Distribution and Possesion of Illegal Drugs. Ang nasabing kaso ay walang piyansa.

Samantala, ang pitong umano’y parokyano ay nahaharap sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Possesion of illegal Drugs. Sila ay nakilalang sina Roland Opiz, 46 ; Jeffrey Mariano, 48 , Anselmo Avila, 45 ; Jose Rodriguez, 48; Mark Glenn Gonzales, 22; Anna Marie Aguilar, 31 at Haila Balayanan, 29.

Base sa ulat na isinumite ni P/ EMS Rommel Rey kay P/ Lt. Col. John Guigui, Station Commander ng MPD- Station 3, bandang 7 p.m. nang isinagawa ang buy-bust.

Nakatanggap ng report mula sa impormante ang grupo ni Rey na umano’y rampant ang bilihan ng droga sa lugar kaya isang tauhan ang nagsilbing poseur-buyer.

AUTHOR PROFILE