P.7M shabu nakumpiska; 2 bebot, 9 suspek timbog ng MPD

January 30, 2022 Jonjon Reyes 95 views

ISANG 34-anyos na dalaga na nasa drug watch list ng pulisya ang natimbog ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drug Enforcement Team (SDET) ng Manila Police District kung saan tatlo pa rito ang nadamay sa ikinasang buybust 3:30 p.m. ng Sabado sa Bgy. 236 sa Antonio Rivera St., Tondo, Manila.

Nakilala ang isa sa supek na si Annalyn Maliwanag, alyas ” Mamen”, dalaga , 3, ng 1649 Yakal St.Tondo. Binitbit din ng mga operatiba ang mga kasamahan nito na sina Jaime Antonio ,44 ,binata , electrician ; Rico De Leon, 25, sales associate at Christopher Guinto,47, may ka live in, laborer.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col.Harry Ruiz Lorenzo lll, MPD- Moriones Poliice Station 2 chief iniatang nito kay P/Lt Jomar De Belen , hepe ng MPD – SDET ang plano para ikasa ang uy bust.

Narekober ang mahigit kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P699, 040.

Ang “Team Swabe” na pinangunahan ni P/EMs Rommel F. Rey ay nagsagawa ng buy bust sa Carlos Palanca Sr. St., malapit sa Quezon Boulevard sa Brgy 306 sa Quiapo, Manila, madaling araw nitong Enero 29.

Natimbog ang pakay na suspek na nakilalang si Jerrylyn Cabigting aka ” Barbie ” at ang pito pang iba na pawang kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002.

Narekober ang 8.42 na gramk ng shabu na nagkakahalaga ng P57, 256. Nina JONJON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE