MJ Ang dalawang suspek at nakumpiskang marijuana sa buy-bust na isinagawa sa pangunguna nina PLTCol. Von June Nuyda at PLt. Rommel Baylon sa panulukan ng Susano Road sa Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City, Miyerkules ng gabi. Kuha ni JONJON REYES

P.2M MJ nakumpiska, 2 kelot timbog sa QC buy-bust

August 11, 2022 Jonjon Reyes 207 views

DALAWANG kelot ang inaresto sa buy-bust na isinagawa Miyerkules sa Novaliches Quezon City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 article ll ng Republic Act 9165 sina Lenard Angelo Toledo, 23, binata, ng Barangay 12 Bahay Toro, Quezon City; at Carl Angelo Emboido, 23, binata, lineman, ng Sitio Maligaya, Bahay Toro ng nasabing lungsod.

Base sa ulat na isinumiti ni PLt.Rommel Baylon , hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay PLt.Col. Von June Nuyda, Quezon City Police District Station 4 commander, ang buy-bust ay isinagawa sa harap ng Metrobank sa Susano Road Barangay Nova Proper, Novaliches.

Nakumpiska sa mga suspek Matapos ang bag na may lamang dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P240, 000.

Kinumpirma ito ni PSsg Darwin Cruz, may hawak ng kaso , nang ipasuri ito sa SOCO.

AUTHOR PROFILE